36

2.4K 94 6
                                    

Chapter 36
| Lover's Quarrel |

∞ D A V E ∞

3 days after.

Tatlong araw na ang nakalipas pero hindi pa rin ako sinasagot ni Nicki sa mga tawag ko. Hindi rin niya ako pinapayagang pumunta sa bahay nila. Hindi rin siya nagrereply sa mga text ko pati na rin sa tawag ko.

Nung matapos 'yung gabing nag-away kami ay hindi na niya ako pinansin simula no'n.

Hindi ko na kaya 'to.

Pumunta ako sa bahay nila at sumalubong sa akin 'yung mommy niya.

"Tita nand'yan po ba si Nicki?" tanong ko.

"Dave she needs space." sabi ni Tita Patricia.

"Tita please. Gusto ko lang po siyang kausapin." pagmamakaawa ko.

"Dave nasaktan mo siya." sabi ni tita.

"Tita I'm sorry. That's why I'm here to apologize." sabi ko.

"I'll let you pero once na ayaw ka pa rin niyang makausap. Give her space." sabi ni tita.

Agad-agad naman akong kumatok sa kwarto ni Nicki.

"Babe buksan mo 'yung pinto. Kailangan nating ayusin 'to." sabi ko.

Hindi siya sumagot kaya ako na mismo ang nagbukas nito.

Pagbukas ko ay nadatnan ko siyang nakahiga at umiiyak.

"Babe I'm sorry. Nadala lang ako ng emosyon ko." sabi ko at hinawakan ko 'yung kamay niya.

"Sa nakita mong picture alam mo bang nalunod ako no'n at si Kurt ang sumagip sa akin? Nung nakita mong hinahalikan ako ni Kurt. Hindi ko ginusto 'yon. Tinulak ko siya pero masyado siyang malakas at hindi ko siya kaya. Masyado kang napaparanoid." sabi niya.

Ang tanga ko! Sa sobrang pagmamahal ko sa kaniya nasaktan ko siya. Nasaktan ko siya sa mga salitang binitawan ko nung gabing 'yon.

"Ni hindi mo nga tinanong kung okay lang ba ako tapos sasabihan mo pa akong manggagamit?" sabi niya at may pumatak na luha galing sa mata niya.

"I'm sorry masyado lang ako nadala ng emosyon ko kaya hindi na ako nakapag-isip nang maayos. Sorry Nicki please forgive me." sabi ko at niyakap ko siya.

"Dave I think I need more space para pagisipan kung dapat pa ba natin ituloy 'yung relasyon natin. Nagsisimula palang tayo pero wala ka nang tiwala sa akin. Siguro give me more time to think kung magiging worth it pa ba to kasi inaakala mo na ginagamit lang kita." walang emosyon na sabi niya.

"I'll give you the space. Pero sana wag naman humantong sa sitwasyon na makikipaghiwalay ka sa akin Nicki. Mahal kita alam mo 'yon. Just call me kung pwede na ba kitang makausap muli." sabi ko at iniwan na siya.

∞ N I C K I ∞

'Di ko alam kung bakit ako nagkakagan'to. 'DI ko alam kung bakit hindi madaling patawarin si Dave. Siguro masyado lang masakit at nakakainsulto 'yung sinabi niya sa akin.

Never ko siyang ginamit. Mahal ko siya kaya hindi ko magagawang gamitin siya.

Hindi ko alam kung saan nakuha ni Dave 'yung picture na ipinakita niya sa akin nung gabing nag-away kami pero isa lang ang kilala kong may pakana no'n. Si Kate.

Gusto man ng puso kong patawarin si Dave pero ayaw ng utak ko.

3 days simula nung gabing nag-away kami hindi ko siya pinansin. Hindi ko rin siya kinibo nung pauwi na kami.

Maybe this is not the right time para magka-ayos kami. Siguro kailangan ko pa ng maraming time para makapag-isip.

Ayokong maging padalos-dalos sa desisyon ko. Minsan na akong nasaktan dahil sa maling desisyon.

∞ K U R T ∞

Nakipaghiwalay na ako kay Kate dahil hindi ko na nakayanan na niloloko ang sarili ko.

All this time ngayon ko lang narealize na mas mahal ko si Nicki kaysa kay Kate.

Yes Kate is my first love but it doesn't mean she's my greatest love.

I want Nicki so badly na gusto ko siyang agawin kay Dave.

That was supposed to be me with Nicki hindi si Dave.

I know na may gusto na si Dave kay Nicki simula palang nung highschool kami. Sa tuwing nakikita ko siyang tumitingin kay Nicki kakaiba 'yung tingin niya kumpara sa ibang babae.

But this time aagawin ko si Nicki kay Dave at sisiguraduhin kong ako ang pipiliin ni Nicki sa huli.

D A V E

Nagkulong lang ako sa kwarto ko buong magdamag. Iniisip na sana mapatawad na ako ni Nicki.

Ayokong dumating sa point na gugustuhin na niyang makipaghiwalay sa akin dahil nainsulto ko siya. Nadala lang ako ng emosyon ko.

Gano'n ko siya kamahal kaya ako nagselos ng todo at hindi ko na macontrol 'yung sarili ko.

Ayoko ng ganito. Di ako sanay na hindi kami nag-uusap ni Nicki.

Alam kong kasalanan ko at iintindihin ko nalang siya kung ano man ang gustuhin niya.

Gusto ko siyang itext o tawagan man lang dahil namimiss ko na siya.

Namimiss ko na 'yung mahal ko na lagi kong kasama.

Pero alam kong bawal pa kaya hahayaan ko muna siya.

Maghihintay ako hanggang sa maging okay siya.

Tinext ko siya dahil hindi ko na talaga kaya.

'Nicki I'm sorry for everything'

'Just call me kung napatawad mo na ako'

'Hihintayin kong maging okay ka. Maging okay tayo'

'Always remember that I will be right here when you need me'

'Mahal na mahal kita'

'Hindi kita bibitawan o iiwan kahit kailan Nicki'

'Nicki I'm sorry'

'This would be the last messages from me... for the meantime'

TO BE CONTINUED

Kailan kaya magkaka-ayos ang dalawa? At matutuloy ba ang pang-aagaw ni Kurt kay Nicki? Magpapa-agaw naman kaya si Nicki?

PAST or PRESENTOnde as histórias ganham vida. Descobre agora