04

3.8K 177 22
                                    

Chapter 04
| Welcome to EMANON |

∞ N I C K I ∞

"Hi Kurt." Nauutal kong sabi at ngumiti.

"Nicki, galit ka ba sa akin?" tanong niya.

"Huh? Bakit naman ako magagalit sa'yo?" Napatingin ako sa kamay kong hawak niya at nakita kong nakita rin niya iyon. Kaya binitawan niya ang kamay ko bago muling magsalita.

"Eh kasi iniiwasan mo 'ko at saka sineen mo lang 'yung messages ko sa'yo kagabi." sabi niya at nagtaka ako dahil 'sure' lang naman ang last na message niya kaya wala na dapat akong ireply.

"Ah bakit? 'Sure' lang naman yung last na reply mo ah." pagiiba ko ng topic.

"Huh? So hindi mo nakita?" tanong niya kaya kinuha ko agad 'yung phone ko sa bag at tiningnan ko ang messages niya.

'Nicki?'

'Sorry kung maikli lang nairereply ko sa'yo lately'

'Busy kasi ako that time'

'Sorry'

Nicki?'

'Hi?'

'Still awake?'

'Nicki?'

What the fuck? Akala ko si Ikay 'yung nagsend ng mga messages na 'yon. Hay nako ewan ko ba sa'yo Nicki! Bangag ka na naman. Naiwan mo 'yung handkerchief niya na sinabi mong ibabalik mo ngayon tapos sineen mo pa siya. Busted na agad kay crush.

Napailing nalang ako, nahihiya akong tumingin sa kaniya matapos lahat ng nangyari.

Biglang lumabas ng pinto si kuya at 'yung Dave.

"Oh Nicki nand'yan ka na pala, bakit kayo magkasama ni Kurt?" Pambungad na tanong ni kuya.

"Hindi kami magkasama." Sabay naman naming sagot ni Kurt.

"Pumasok na nga kayo," utos ni kuya sa amin.

Ngumiti ako bago nagsalita, kailangan kong makalusot sa kanila.

"Ah sige kuya bye." Paalam ko at tumakbo. Ngunit nahabol pa rin ako ni Kuya. Kaya ngayon buhat-buhat niya akong ipinasok sa music room.

Pagpasok ko sa music room ay nakita kong puro lalaki sila at 4th year lahat. Ako lang ang nag-iisang babae at nag-iisang 3rd year. Kumpleto na nga sila eh. Si kuya ay lead guitarist, si Kurt naman ay bassist, si Dave vocalist, si Franco naman 'yung drummer nila, si Kean pa pala 'yung rhythm guitarist at si Leo naman yung Pianist. Kumpleto na sila actually.

"Hoy Nicki! Kumanta ka. Alam ko namang kumakanta ka eh diba?" pamimilit ni kuya sa akin.

"Di ako marunong kumanta kuya!" Naiinis na sabi ko. Ayaw kong mapahiya sa kanila. Lalo na kay Kurt.

"Anong hindi? Eh naririnig nga kita lagi, kinakanta mo 'yung 'I have nothing' ba 'yon?" sabi niya.

OMG bisto na ako. Akala ko walang nakakarinig sa akin dahil lagi namang nakalock ang pinto ko sa kwarto.

"What? Hindi ko alam pinagsasasabi mo." Pagmamaang-maangan ko.

"Hindi ka kakanta? Teka nirecord ko pa naman 'yon. Gusto mo parinig ko pa sa kanila." Pananakot niya sa akin. Aba talaga nga naman!

"Okay. Okay! Ano bang title nung kakantahin?" tanong ko.

"Tadhana." Narinig ko ang malalim at seryosong boses ni Dave. Diretso rin siyang nakatingin sa akin. Aba anong probleme nito?

PAST or PRESENTWhere stories live. Discover now