Epilogue

4.1K 125 45
                                    

Chapter 49
| Epilogue |

∞ N I C K I ∞

3 years after~

Ito na 'yon. Isa sa mga pangyayaring hinding-hindi ko makakalimutan.

Hindi ko maiwasang kabahan.

"Sure ka na ba anak? Pwede ka pang umatras." sabi sa akin ni Daddy. Nung una ayaw niya talaga akong payagang magpakasal dahil ayaw niya akong ipaubaya sa iba.

"Daddy naman. Nandito na tayo aatras pa ba tayo?" tanong ko.

"Oo nga hon. Ipaubaya mo na 'yung prinsesa natin." sabi naman ni mommy at ngumiti. Medyo naiiyak si daddy.

"Okay." sabi ni Daddy at ngumiti sa akin.

Huminga muna ako nang malalim bago lumabas ng sasakyan at humawak na ako sa braso nila mommy at daddy.

Gaya ng mga ibang ikinakasal biglang bumukas 'yung pinto ng malaking simbahan.

Pagbukas nito ay nakita kong nakatingin sa akin lahat ng tao. Hindi ko maiwasang maiyak dahil ang swerte ko na saksi 'yung mga taong naging parte ng buhay ko sa kasal namin ng mahal ko.

Biglang ipinatugtog 'yung 'Beautiful in White'.

Not sure if you know this

But when we first met

I got so nervous

I couldn't speak

In that very moment I found the one and

My life had found its missing piece  

Habang naglalakad ako sa gitna di ko maiwasang hindi maging emosyonal. Ang saya ko, akala ko oa lang 'yung mga taong ikinakasal kapag umiiyak sila pero hindi pala.

Isang beses lang kasi mangyari ito. Ang ikasal ka sa taong mahal mo. 

Matagal naming hinintay na mangyari ito. 

 So as long as I live I'll love you

Will have and hold you

You look so beautiful in white

And from now to my very last breath

This day I'll cherish

You look so beautiful in white

Tonight

Habang nakatingin ako sa lalaking nasa harapan malapit sa altar masasabi kong dream come true na. Ang ikasal ako sa taong mahal na mahal ako. I can't wait to spend my whole life with him.

Mas lalo akong napaiyak nang makita 'yung mga tao sa paligid ko na may mga ngiti sa mga labi.

Mga taong sumubaybay sa relasyon naming dalawa.

Mga taong nakasaksi kung gaano namin kamahal ang isa't isa.

What we have is timeless

My love is endless

And with this ring I say to the world

You're my every reason

You're all that I believe in

With all my heart I mean every word

Pinipilit kong pigilan 'yung luha ko pero hindi ko mapigilan dahil sa sobrang saya ko. Pinunasan ko nang marahan 'yung mukha ko para naman hindi matanggal 'yung make-up ko.

So as long as I live I'll love you

Will have and hold you

You look so beautiful in white

And from now to my very last breath

This day I'll cherish

You look so beautiful in white

Tonight

Oh, oh

You look so beautiful in white

So beautiful in white

Tonight

Habang papalapit na kami sa altar ay mas lalong bumuhos 'yung luha ko.

Nang makatingin ako ng diretso sa mata ng taong mahal ko.

Para bang tumigil 'yung mundo ko at parang kaming dalawa lang ang nandito.

Makikita mong napakasaya ng ngiti niya. Mararamdaman mo rin ang pagkasabik niya dahil napakatagal na naming hinintay ang mangyari ito.

Sa dami ng unos at problemang dumaan sa aming dalawa masasabi kong kami na talaga ang para sa isa't isa.

Sa tagal ng panahon na hinintay naming dalawa.

Sa dami ng taong humadlang sa pagmamahalan namin.

Pero kami pa rin sa huli. Kami pa rin pala talaga.

Iniabot na ni Daddy 'yung kamay ko kay Dave.

Oo, si Dave ang papakasalan ko. Si Dave ang mahal ko at wala na akong ibang mamahalin pa.

"Ipinapaubaya ko na ang anak ko sa'yo. Basta siguraduhin mong hindi mo siya sasaktan." sabi ni Daddy.

"Opo daddy." sabi naman ni Dave. Grabe daddy agad? Di pa kami ikinakasal niyan ah.

Humarap na kami sa altar at nasa harapan namin ngayon si Father.

"Dearly beloved, we are gathered together here in the sight of God, and in the face of this company, to join together this Man and this Woman in holy Matrimony..."

***

"By the power vested in me I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride." sabi ni Father at dahan-dahan namang inangat ni Dave 'yung belo ko.

"I'll be gentle sweety." sabi ni Dave at ngumiti.

Inayos niya 'yung onting buhok na humaharang sa mukha ko.

At dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

Hanggang sa ikulong na niya ang mga labi ko sa labi niya.

Alam kong ilang beses na akong nahalikan ni Dave pero kakaiba ang halik niya sa akin ngayon dahil ang halik na 'to ay ang unang halik namin bilang mag-asawa.

Masasabi kong hindi madali ang naranasan naming dalawa. Maraming naging hadlang sa pagmamahalan naming dalawa pero hindi kami nagpatalo doon dahil alam naming mahal na mahal namin ang isa't isa.

At ngayon kasal na kami.

Parang isang napakagandang panaginip na hindi ko nanaising magising pa.

Sisiguraduhin kong mamahalin ko siya habang buhay at aalagaan ko siya bilang asawa ko.

I chose Dave, my present than Kurt, my past.

______________________________________________

______________________________________________

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

THE END

PAST or PRESENTWhere stories live. Discover now