21

2.8K 109 34
                                    

Chapter 21
| Deactivate |

N I C K I

Isang taon na ang nakalipas nung umalis si kuya Nicko. Isang taon na rin na walang Ikay akong nakikita sa buhay ko. Isang taon na ring cold si Kurt sa akin at hindi ko alam kung anong dahilan.

College na ako ngayon at nagdodorm na rin ako dahil malayo ang pinapasukan kong university.

Sa isang taon na lumipas marami ang nangyari. Maraming nagbago.

Grumaduate ako ng Valedictorian pero hindi naging madali sa akin lalo na't mag-isa nalang ako no'n dahil wala na si kuya at si Ikay. Samantalang si Kurt at Dave naman ay sa ibang school na nag-aaral dahil 1st year college na sila noon.

Si Kurt naman ay naging cold na sa akin. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit siya nagkaganoon. That's why ako nalang 'yung nagpapatatag ng kung ano mang meron kami. Hindi na siya tulad ng dati. Ang laki ng pinagbago niya at almost 1 year na rin kaming hindi nagkikita dahil busy nalang siya palagi.

Si Dave? Si Dave ang naging sandalan ko tuwing nalulungkot ako dahil nagiging cold na sa akin si Kurt at hindi siya nagsasawang palakasin ang loob ko kahit na puro Kurt nalang ang bukam-bibig ko sa tuwing magkasama kaming dalawa. Mas lalo kaming napalapit sa isa't isa dahil simula nung 4th year ay hinahatid sundo niya ako dahil utos ito ni kuya at wala siyang magagawa gano'n din ako. Naging close na rin si Dave kina mommy at daddy kaya panatag ang loob nila kapag kasama ko si Dave. Ngayon ay pareho kami ni Dave ng pinapasukan na University. Nagtransfer siya dahil utos daw ulit ito ni kuya. I don't think na utos talaga ito ni kuya. Mukhang pabor na pabor sa kaniya ang lahat.

Ngayon hindi na ako manhid tulad ng dati. Nararamdaman ko na 'yung mga efforts ni Dave para sa akin pero kahit na anong gawin ko si Kurt pa rin ang hinahanap ng puso ko.

***

"Hoy girl! Gumising ka na d'yan. May naghihintay na sa'yo sa baba." gising sa akin ni Hailee.

Si Hailee ay roommate ko. Mabait siya at sobrang kalog. Naalala ko tuloy sa kaniya si Ikay. Nag-aaral din siya sa university na pinapasukan ko kaso magkaiba kami ng course na kinuha.

"Sino?" tanong ko habang umiinat ako.

"Sino pa ba?" sabi niya at kinuha na 'yung tuwalya niya dahil maliligo na siya.

Sabado ngayon kaya dapat sinusulit ko 'yung tulog ko kaso dumating si Dave.

Naghilamos muna ako ng mukha at nagtoothbrush.

Bumaba na ako at nakita kong naghihintay na si Dave doon.

"Bakit ka nandito?" iritang tanong ko dahil inaantok pa ako.

"Ay ayaw mo? sige bye." sabi niya pero pinigilan ko siya.

"Joke lang ito naman!" sabi ko.

"Gala tayo! Nabobored ako sa condo eh." sabi niya.

"Sige na nga. Hintayin mo ko." sabi ko at pumunta na ako sa kwarto.

Pag-akyat ko ay nakita kong may inaayos pang gamit si Hailee. huti nalang at hindi pa siya tuluyang naligo.

Binilisan ko lang ang pagligo ko at nagbihis na ako. Pagtapos ay nagpaalam na ako kay Hailee.

PAST or PRESENTWhere stories live. Discover now