43

2.3K 86 8
                                    

Chapter 43
| Plan |

∞ D A V E ∞

Wala akong matandaan kahit na ano. Hindi ko rin makilala 'yung mga babaeng nandito kanina. Ni hindi ko rin maalala kung ano nangyari sa akin kung bakit ako nandito sa ospital.

Pero nung pag gising ko kahapon at bumungad sa akin 'yung magandang babae may naramdaman akong kakaiba. Hindi ko maintindihan kung ano iyon. Ni hindi ko alam kung bakit ko naramdaman iyon.

Is she really part of my past?

∞ N I C K I ∞

Pinapunta ko dito sila Kurt pati na rin sila Ikay. They are all part of the plan since naging part din sila ng buhay ni Dave.

Nandito kami ngayon sa sala.

"Any suggestion para sa plano natin?" tanong ko.

"Sa birthday ni Dave! Kidnapin natin siya tapos dalhin natin siya sa isang place na memorable sa kaniya." sabi ni Kean.

"Grabe naman kidnap agad?" sabat naman ni Hailee.

"Wala tayong ibang paraan para makuha siya dahil paniguradong bantay sarado siya sa ate niya." sagot naman ni Kurt. Well tama siya.

"Nicki where do you think is the most memorable place for him?" tanong ni Kurt.

"Park?" maikling sagot ko. 'Yon lang 'yung naaalala kong lugar na memorable para sa kanya dahil do'n kami lagi tumatambay at do'n ko rin siya sinagot.

"So 'yon gan'to 'yung plano." simula ni Kurt.

"Kean at Leo kayo ang kukuha kay Dave kung nasaan man siya nung araw na 'yon. At para malaman natin kung nasaan siya, Nicko idetect mo 'yung phone niya okay?"

"Sige, magaling ako dyan." sabi naman ni kuya Nicko.

"Kayo naman Ikay at Hailee tutulungan niyo akong maghagilap ng mga pictures or videos namin ni Dave. Tapos tutulungan niyo rin ako sa pag-ayos ng venue. Okay ba?" tanong ko.

"Yay! Exciting." pagsang-ayon ni Ikay.

"Sure!" sabi naman ni Hailee.

2 days nalang at birthday na ni Dave kaya kailangan naming magmadali.

"Hailee magaling ka ba sa mga designs? Tulungan mo naman ako mag-isip oh." sabi ko.

"Yah! Magaling ako d'yan lalo na sa mga surprises."

"'Yon. So kailan natin sisimulan lahat?" tanong ko.

"Bukas." sabay namang sabi nila Hailee at Franco. Nako meant to be talaga?

"Ow!" pang-aasar ni Kean at Leo kaya sinamaan sila ng tingin ni Hailee.

"So ito na 'yung summary ng gagawin natin." singit ni Kurt habang hawak 'yung papel na pinagsusulatan niya kanina ng plano.

"First si Nicko pag nadetect niya kung nasaan si Dave do'n pupunta sina Kean tapos i-blindfold niyo siya ah! Tapos pagdating do'n sa place na yo'n dapat ready na lahat. Ipapatugtog namin 'yung Tadhana okay? 'Yon naman 'yung unang kanta niyo na kung saan parang nagkakilala kayo nang lubusan. Tapos magtago ka Nicki ah. Kasi sa paligid lalagyan natin ng pictures niyong dalawa. Tapos may mga nakadikit din sa pader na kung ano-ano. Habang naglalakad siya biglang magpeplay 'yung video. Girls gagawa kayo ng video ah! Tapos pag natapos 'yon may ibibgay ka sa kanyang exploding box na may lamang mga pictures, letter or anything. Tapos sana maging successful 'yung gagawin natin at sana may maalala siya kahit onti." paliwanag ni Kurt at ngumiti sa akin.

PAST or PRESENTWhere stories live. Discover now