07

3.6K 153 68
                                    

Chapter 07
| Practice |

∞ N I C K I ∞

Saturday ngayon at walang pasok. Gumising ako nang maaga. Kumain at naligo na rin ako.

Hanggang ngayon ako pa rin ang mag-isa rito sa bahay dahil hindi pa umuuwi sina mommy at daddy. Pati na rin si kuya. Miss ko na sila.

Naglinis ako ng bahay namin para naman pag-uwi nila malinis 'yung dadatnan nila rito.

Pagtapos kong maglinis ay humiga ako sa kama at nagbasa ako ng favorite pocket book ko.

Biglang nagring yung phone ko at nakita kong tumatawag si Dave.

"Hello Dave?"

["Hi Nicki! How's your day?]

"Ito wala pa rin sina kuya."

["Ahh okay, may practice nga pala tayo mamaya ah! Sa bahay nila Kean."]

"Sige, send mo nalang yung address."

["Uhm sunduin nalang kita."]

"Sure ka?"

["Yah! Sige bye, see you later."]

"See yah."

Binaba ko na 'yung tawag niya at hinanda ko na yung gamit ko para mamaya.

Ilang oras na rin ang nakalipas at naka 1/4 na ako sa librong binabasa ko. Tinigil ko na ito dahil ilang minuto nalang ay darating na si Dave.

Biglang tumawag si Mommy.

["Anak? Is everything okay?"]

"Yes mom."

["Very good anak, tomorrow pa kami darating ng daddy mo isasabay na rin namin ang kuya mo"]

"Okay mom. Btw, may practice kami ngayon ng band."

["Okay, take care anak."]

"Okay bye."

Binaba ko na ito at nagbihis na ako. Nagsuot lang ako ng plain white sando shirt na may quote na 'Be Yourself' tas pinartner ko siya sa jean jacket at black skinny jeans. Tapos sinuot ko 'yung converse ko na color black. Trip kong pumorma ngayon eh bakit ba?

Biglang may bumusina at alam ko na kung sino iyon. Inayos ko na ang gamit ko at bumaba.

Pagbukas ko ng pinto ay nakatalikod si Dave sa akin habang may kausap siya sa cellphone niya. Pagbaba niya ay agad ko siyang tinawag.

"Tara na." aya ko, sabay naman ng pagtingin sa akin ni Dave.

"Hoyyy." pag-gulat ko sa kanya dahil parang natulala siya.

"Ahh! Oo tara na. Isuot mo na 'yung helmet." sabay bigay niya ng helmet sa akin at inalalayan akong makasakay sa motor.

"Kumapit ka na." sabi niya at kumapit naman ako sa balikat niya.

Umandar na kami at mabagal lang ang pagtakbo ng motor niya tulad ng dati. Habang nasa biyahe kami ay damang-dama ko 'yung hangin sa mukha ko. Parang ang sarap lang sa feeling.

Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa bahay ni Kean.

Pumasok na kami sa loob ng bahay nila at pumunta kami sa music room nila. Nakita kong kumpleto na sila at kaming dalawa nalang ni Dave ang hinihintay nila.

Napatigil sila nang makita nilang magkasabay kami ni Dave pumunta rito.

"Woah." gulat na sabi ni Kean, Franco at Leo. Samantalang si Kurt naman ay nakatingin lang sa aming dalawa ni Dave.

PAST or PRESENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon