22

2.6K 109 32
                                    

Chapter 22
| Willing to Wait |

∞ N I C K I ∞

Gumising ako ng wala sa sarili ngayon. Nakatitig lang ako sa phone ko at hinihintay na magmessage si Kurt. Baka sakaling magbago ang isip niya.

"Nicki bumangon ka na d'yan! Ano bang nangyayari sa'yo ah?" tanong ni Hailee sa akin at umupo siya sa kama ko.

"Hailee pwede bang mahiram 'yung phone mo?"

"Oo." sabi niya at kinuha niya ito sa mesa.

"Ito oh. Bakit anong gagawin mo?"

"May titingnan lang ako."

Pumunta ako sa facebook ni Hailee at sinearch ko 'yung pangalan ni Kurt. Nakita kong may laman ang feed niya. Pagtapos ay tiningnan ko 'yung twitter ni Kurt gamit yung twitter ni Hailee at nakikita ko rin 'yung mga tweets niya. Bigla nalang may tumulong luha sa mata ko.

Nagsinungaling sa akin si Kurt. Sabi niya mag dedeactivate siya pero 'yung totoo blinock niya lang ako.

"Oh bakit ka na naman umiiyak?" tanong ni Hailee pero hindi ako sumagot. Binigay ko na sa kaniya 'yung phone niya.

Tinawagan ko si Dave.

["Hello Nicki?"]

"Dave pwede ba akong pumunta sa condo mo?" tanong ko.

["Sige. Teka umiiyak ka ba?"]

"Dave sunduin mo 'ko."

["Sige papunta na ako."] sabi niya.

Naligo na ako at nagbihis. Wala pa rin ako sa sarili ko.

Bumaba na ako at hinintay ko si Dave. Maya-maya lang ay dumating na siya.

"Baki-" naputol ang sinabi niya dahil niyakap ko siya at niyakap naman niya ako pabalik.

"Bakit ano nangyari?" tanong niya.

"Mamaya ko na ipapaliwanag sayo." sabi ko at sumakay na ako sa motor niya.

Nang makarating na kami sa unit niya ay agad akong umupo sa sofa at umiyak.

"Bakit ba Nicki?" tanong niya.

"D-Dave si Kurt"

"Anong nangyari kay Kurt?"

"Sabi niya magdedeactivate siya pero blinock niya ako tapos sabi niya gusto daw niyang itigil kung anuman 'yung meron kami." sabi ko at humagulgol na ako sa iyak.

"Shh baka naman may magandang reason kung bakit niya sinabi 'yon." sabi niya at niyakap ako.

"Anong magandang reason? Yung dahil sa nakakasagabal lang ako sa pag-aaral niya?"

PAST or PRESENTWhere stories live. Discover now