02

4.8K 193 23
                                    

Chapter 02
| Handkerchief |

∞ N I C K I ∞

"Hi Nicki! Hmm may kasama ka ba? Pwede ba akong umupo dito? Wala na kasing vacant seat eh."

"O-of course!" Nauutal na sabi ko sabay ngiti. Pakiramdam ko ay namumula ang pisngi ko dahil sa init na nararamdaman ko sa mukha.

"Thank you!" sabi niya at umupo na sa tapat ko. Tumango nalang ako bilang sagot.

Hindi ko pa rin mapigilan ang ngiti sa mukha ko. Pakiramdam ko kasi nagdedate kami, hays sana totoo nalang.

Sumubo ako ng spaghetti at kinuha ko ang phone ko. Nagtatype ako ng kahit ano, para lang maipakita sa kaniyang busy ako at hindi ako distracted sa kaniya.

Maya-maya lang ay naubos na niya 'yung pagkain niya.

"Uhm," pagtawag niya sa atensyon ko.

Napatingin ako sa kaniya at ngumiti pagtapos. Hindi ko siya matitigan nang matagal sa mata dahil feeling ko hihimatayin na naman ako dahil sa gwapo niyang mukha.

"May ano kasi eh, may dumi ka sa gilid ng labi mo." sabi niya at ngumiti. OMG! AWKWARD! Hinanap ko agad 'yung panyo ko sa bag kaso hindi ko ito mahanap.

"Ito oh." sabi niya kasabay nang paglahad ng panyo niya sa harap ko.

"Ay hindi na." sabi ko at akmang aalisin ang dumi gamit ng kamay ko nang biglang lumapit siya sa akin at pinunasan 'yung gilid ng labi ko.

Agad kong inagaw sa kaniya ang panyo niya, nakakahiya sa kaniyang hindi ko ito labhan.

"Lalabhan ko nalang, pasensya." paumanhin ko.

"Nako hindi na, ako nalang." Akmang babawiin niya ito ngunit inilayo ko ang kamay kong may hawak ng panyo niya.

"No, lalabhan ko 'to at ibibigay ko sa'yo bukas,"pilit kong sabi sa kaniya.

"Okay sige, mauna na ako. Salamat sa seat." sabi niya at ngumiti. Naglakad na siya palayo dala ang tray na ginamit niya at ako naman ay naiwang kinikilig pa rin sa kaniya.

∞ U N K N O W N ∞

How I wish na sana ako nalang ang nasa harap mo, sana ako nalang ang kausap mo. Sana ako nalang 'yung taong nagpapakilig sa'yo at sana ako nalang 'yung taong gusto mo.

Ilang taon na ba akong may gusto sa'yo? Actually almost 4 years na ata eh. Ang tagal 'no? Pero bakit hindi mo man lang ako napapansin? Sorry torpe ako eh kaya hindi ko kayang humarap sa'yo. Kahit na anong gawin ko 'di ko matanggal ang tingin ko sa'yo. Pero bakit kahit kailan hindi mo ata napansin ang isang katulad ko na laging nakabantay sa'yo.

Buti nalang kinain mo 'yung sandwich na ginawa ko. Actually para sa akin 'yan eh, kaso binigay ko nalang sa'yo dahil alam kong hindi ka pa kumakain.

Tinitigan ko ang bawat kilos mo paalis sa canteen. Di ko alam pero bakit gusto ko lagi akong malapit sa'yo.

Near yet so far.

∞ N I C K I ∞

Umalis na ako sa canteen para pumasok sa susunod kong klase.

Hindi ko alam kung bakit pero parang may sumusunod sa akin. Parang may mata sa paligid ko na laging nakabantay. Halos lagi nalang ganito kada maglalakad ako sa hallway pero wala naman akong makita pag lumilingon ako sa likod.

Nasanay na akong ganito dahil matagal tagal na rin nang maramdaman ko ito. Minsan natatakot ako, pero ni minsan wala namang nangyaring masama sa akin.

PAST or PRESENTWhere stories live. Discover now