19

2.7K 123 15
                                    

Chapter 19
| Savior |

∞ N I C K I ∞

Isang linggo na ang nakalipas nung gumala kami ni kuya Nicko. Nagtataka lang ako kasi simula no'n ay ang caring na niya sa akin at hindi na niya ako inaaway. Lagi na rin siyang nakikipag-bonding sa amin nila mommy hindi tulad dati na lagi lang siyang nasa kwarto.

Gumising na ako at hanggang ngayon ay hindi parin ako bumabangon dahil inaantok pa ako at iniisip ko pa rin kung bakit nagkakaganoon si kuya Nicko.

Maya-maya lang ay bumangon na ako at naghilamos. Nagmumog na rin ako at bumaba para kumain.

Pagbaba ko ng hagdan ay narinig kong nag-uusap sila mommy at nacurious ako kung ano iyon kaya nagtago muna ako sa likod ng pader.

"Anak kailan mo ba balak sabihin sa kapatid mo 'yung tungkol sa pag-alis mo?" tanong ni mommy habang hinahanda 'yung mga pinggan.

Nanlaki ang mata ko at napatakip ako sa bibig ko nang marinig ang winika ni mommy.

"Saka na mommy. May problema pa si Nicki eh." sagot naman ni kuya.

"Sigurado ka ba? Baka mas lalong tumatagal mas mahirapan kang sabihin sa kaniya." sabi naman ni Daddy.

"Matalino naman 'yon si Nicki. Sigurado akong maiintindihan ako no'n." sabi ni kuya.

Pagtapos nilang mag-usap ay umakyat na ako sa kwarto ko at nagkulong.

Naiiyak ako dahil una hindi ko alam kung saan pupunta si kuya, pangalawa nagsikreto sila sa akin at pangatlo ay hindi niya sinabi sa akin na aalis siya.

Hindi ako lumabas ng kwarto maghapon. Hindi rin ako kumain dahil wala na akong ganang kumain.

Bakit parang unti-unting nawawala 'yung mga taong mahalaga sa akin.

Una si Dave. Simula nung prom night ay wala na akong balita pa sa kaniya.

Pangalawa si Ikay. Kaya pala siya lumalayo sa akin dahil ayaw niyang mamiss ko siya dahil kukunin na siya ng mga magulang niya sa ibang bansa at doon niya ipagpapatuloy ang pag-aaral niya.

Pangatlo si Kuya. Aalis siya at parang wala siyang balak na sabihin sa akin 'yon.

Bakit parang lagi nalang ako napag-iiwanan? Gan'to ba talaga ang buhay ko? Yung may mga taong magpapasaya sa'yo at magiging parte ng buhay mo pero sa huli ay iiwan ka rin.

"Nicki kumain ka na! Hindi ka pa kumakain simula kaninang umaga ah." sabi ni kuya at pilit na binubuksan 'yung pinto.

"Nicki buksan mo yung pinto!" sigaw ni kuya pero hindi pa rin ako sumasagot.

Tumigil siya ilang sandali. Narinig kong binubuksan na niya 'yung pinto gamit yung duplicate na susi.

Pagbukas niya at nadatnan niya akong nakaupo lang sa kama at umiiyak.

"Nicki bakit? Anong probema?" tanong niya. Hindi ako sumagot dahil wala pa ako sa sarili.

"Nicki sumagot ka?" sabi ni kuya.

"Bakit ka naglihim sa akin kuya?" sabi ko at may pumatak na luha galing sa mata ko.

"Ha? A-anong pinagsasabi mo?" pagmamaang-maangan niya at ngayon ay hindi na siya makatingin nang diretso sa akin.

PAST or PRESENTWhere stories live. Discover now