"BREADWINNER" Ang Titulong Nakakakalyo

1.3K 60 20
                                    

Sabi nila swerte daw ang panganay, sila daw kasi ang unang nakakatanggap ng atensyon at pagmamahal ng mga magulang, unang nakakatikim ng ginhawa bago pa ang paglaki ng isang pamilya. Sa opinyon ni Marco, hindi yun totoo dahil minsan pinangarap nyang maging bunso. Ito ang nakakatawa at minsa’y nakakaiyak na kwento ni Marco, panganay sa pitong magkakapatid not by choice. Inakala nyang madali lang gampanan ang hamon ng pagiging Breadwinner nya. Hanggang sa maintindihan nya kung gaano kalaki ang responsibilidad kapag nasayo ang titulong yun. Minsan laman ng panaginip at pangarap nya ang buhay ng pagiging bunso kahit isang araw lang. Handa syang ipagpalit ang posisyon nya pero hindi sya handang ipagpalit ang pamilyang mayroon sya. Ito ang kwentong magbibigay ng ibang mukha sa tagumpay ayon kay Marco: “Kapag ginusto mong magtagumpay sa buhay, ang pagiging desidido ay may katambal na kalyo.”

Copyright: April2014, Originally Posted in Booklat

"BREADWINNER" Ang Titulong NakakakalyoWhere stories live. Discover now