Pulang Sombrero

239 23 3
                                    

“Anak, gising na at tatanghaliin tayo.” sunod sunod ang kalabit ni Aling Ester.

“O.. opo nay.” naibulong ni Marco habang nakikipaglaban sa ayaw magmulat na mata. 

Alas kwatro pa lang ng umaga, araw ng Linggo.  Nakatakdang mag punta sa bayan ang mag ina upang mamili ng isda at ng mga gulay na itinitinda nila lingguhan. Nasa ikalawang taon na sa Highschool si Marco.  

Malamig sa madaling araw at masarap ang mag tago sa ilalim ng kumot. Ilang minuto rin bago naiwan ni Marco ang mainit na higaan nya. Suot ang panlamig at ang pulang sombrero nakahalukipkip na sumunod si Marco kay Aling Ester. Humigop lang sila ng kape at tuluyan nang nilisan ang bahay.

May dalawang dahilan kung bakit gusto ni Marco ang pagsama sa bayan sa kabila ng kagustuhan nyang tanghaliin ng gising. Una, sya lang ang makakatulong sa Nanay. Aminado syang mas mabait sya kay Oli, ayaw kasama ito ni Aling Ester dahil para daw itong ipinaglihi sa reklamo. Si Mang Sergio naman ang nakatoka sa pag aasikaso sa iba nyang kapatid habang patuloy ang pag gawa nito ng panindang doormat at iba pang basahan. Ikalawa, masarap ang ispageti sa karinderya sa bayan. Palagian silang kumakain ng Nanay nya bago umuwi, masarap din ang pandesal na kasama na sa order at ang kapeng katamtaman ang hinalong gatas. Ilang dighay din ang kapalit ng puyat nya, sulit na.  

Dalawang timba ng sari saring isda at isang plastik ng gulay ang napamili nila. Magkatuwang ang mag Nanay sa mas malaking timba habang bitbit naman ni Aling Ester sa kaliwang kamay ang isa pa. Ang isang plastik ng gulay, bitbit ni Marco sa kanang kamay nya. Pumara sila ng jeep at naghanda sa pagsakay.

“Dito na lang ho sa unahan yang timba ninyo para di makaabala sa ibang pasahero!” mataas ang boses na utos ng lalaking naka puting sando at may hawak sa manobela, mataas din ang pagitan ng kilay at noo nito.

“Konting sipa na lang po para mabilis, aabutan na tayo ng paggi-green!” dugtong nito kasabay ng paghithit sa sigarilyo.

“Sige na nak una ka, itulak mo ang timba sa unahan ha." ani Aling Ester na naisampa na rin ang isa pang timba.

Nauna si Marco sa pag akyat, hila hila ang mas malaking timba. Mabigat pa sa kanya ang timbang yun kahit pa kumain at nabusog na sya. Nakayuko sya habang tinutulak ang timba at iniiwas na mauntog ang ulo sa bubungan ng jeep, maraming beses na syang nagkabukol dahil dito. Marami ang paang umiiwas na madikit sa timba nya sa takot na madumihan. Sa kabila ng pag iingat nya, dumaan ang timba sa ibabaw ng puting sapatos ng isang Ale, nanlaki ang mata nito bago umismid sa kanya. Bubulong bulong ito sa di nya maintindihang lengguwahe. Bikolano ang tatay nya at sigarado syang hindi yun magkatulad.

“Pasensya na po.”

“Hindi ka kasi nag-iingat eh! Ang linis ng sapatos ko tapos dudumihan mo lang!” nanlalaki ang mata ng Ale, nanunulis din ang nguso.

“Pasensya na po kayo di naman sinasadya ng bata.” sabat ng isang lalaking kasakay nila.

Isang kamay ang humatak sa timba nya. Pag angat nya ng ulo upang kilalanin ang nagmagandang loob, nakita nyang nakangiti ito sa kanya. Si Ginoong Lazaro na dati nyang guro sa Filipino.

"BREADWINNER" Ang Titulong NakakakalyoWhere stories live. Discover now