Ballpen

262 20 2
                                    

Kalahating oras na nakaupo si Marco sa klase ni Ms. Torres pero di pa rin mapakali ang pwet nya sa upuan. Para syang pusang di matae o buntis na asong di makapanganak, panay ang tayo nya sa kinauupuan. Punta sa banyo o kunwari may kukunin, nagamit na nya ang mga iyon para idahilan.

Kung nakapako naman ang pwet nya sa bangko, lingon naman sya ng lingon sa pinto. Kanina pa rin nanghahaba ang leeg nya at nananakit na ito, wala pa rin si Milena. Malapit na ang ika siyam ng umaga. Maaga palagi ang dating nito at hindi pa ito nahuhuli sa loob ng isang linggo na pagkakatabi nila sa parehong klase. Dalawang araw nyang hindi nakita ang babae. Lunes hanggang Biyernes ang pasok nya pero parang gusto nya magtuloy tuloy ito hangang Linggo.

Mahapdi na ang mata nya sa kakasipat habang panay ang pitik ng hawak nyang ballpen sa mesa. Inilagay nya ang dalang bag sa bakanteng upuan sa tabi nya.  Wag lang sana may magtatangkang uupo sa tabi nya maliban kay Milena talagang sasaktan nya, naisip nya.

“Tol may nakaupo dito?” tanong ni Nestor sa kanya, nakanguso pa ito sa bag na iniharang nya.

“Meron Tol, parating na kasi si Milena. Sabi nya sa akin ilaan ko daw ang upuan na ito para sa kanya.” nanlalaki ang butas ng ilong nya sa pagsisinungaling.  Kailangan nyang makatabi si Milena.

 “Nestor dito ka na, wala pa naman si Jonathan!” sigaw ni Lloyd mula sa bandang likuran.

Madali namang nagtungo doon si Nestor, kumbinsido ito sa pagsisinungaling ni Marco. Nakahinga naman ng maluwag si Marco halos hanginin ang pahina ng sulatan nya sa mesa.

Pinaglalaruan nyang muli ang hawak na ballpen, isang pitik hanggang sa di mabilang na pagpitik at pagtalbog ng ballpen nya sa kahoy na mesa. Umiikot ang isip nya “Ang tagal naman ni Milena!” Kumakabog ang dibdib nya at palakas ng palakas ang ingay mula sa hawak nya. Tumigil lamang sya ng mapansin nyang nakatingin na sa kanya lahat ang mga kaklase nya. Nanlalaki ang mga mata na parang nagsasabing manahimik sya.

Ipinarada nya ang hawak sa isang sulok ng mesa. Bumuntong hininga sya “Bakit ko nga ba hinahanap si Milena?”

Ilang araw nyang kinondisyon ang sarili na balewalain ang panunukso ng puso nya sa kanya. Mukhang bigo sya sa bagay na iyon. Limang gabi nyang nakita ang mukha ng babae sa bubong na yero. Ilang beses din itong nakipag habulan sa kanya sa tabing dagat sa tuwing mananaginip sya. Ilang araw nyang iniwasang makasabay sa jeep ang babae pero lagi nya itong dinaratnan sa parehong sakayan. Lagi nya rin itong nakakatabi. Inilibre nya ito noong una at naging huling beses na rin iyon.

Sa mga kasunod na pagkakasabay nila, nagkunwari syang dudukot ng pera kahit na wala naman syang dudukutin. O kaya ay tanungin nya ito na “Bayad ka na?” para lamang mauna itong magbayad sa kanya sakaling hindi pa. Saka sya kunwaring makikipag unahan sa pagbabayad para sa kanilang dalawa. Nililinlang nya ito, aminado sya. NiIilinlang din naman sya ng puso nya kaya patas na. Isang beses din sya nitong inilibre pero nahiya sya sa babae.

Kahit di nya aminin sa sarili, ilang araw nyang inilagay ang bag sa upuan para lang maging bakante ito para sa babae. Pwede na syang kasuhan sa lagi nyang pagnanakaw ng tingin kay Milena. Alam nya ang sinuot nito sa loob ng isang Linggo. Puti, Itim, Rosas, Berde, Puti ulit. Nakabisado nya ang kibot ng pulang pula labi nito. Nabilang nya ang ngipin at ang tatlong klase ng ngito nito, bungisngis, tipid at katamtaman. Muntik na nyang amuyin ang buhok ni Milena isang beses na nakatalikod ito sa kanya kaya lang naisip nyang magmumukha syang masamang tao kapag may nakakita sa kanya, nasa kantina sila noon.

"BREADWINNER" Ang Titulong NakakakalyoWhere stories live. Discover now