Mesa at Slum Book

381 29 7
                                    

Araw ng lunes, maaga pa lang ay gayak na si Marco. Nakahawi ang buhok nito na parang bukas na libro. Gayak na rin si Oliver na mahaba ang medyas at madumi ang sapatos. Si Isabel nama'y naka pony tail at naka pink na bag. Si Jayson butas ang puting polo at may kaluwagan ang suot na short. Matapos nilang magpakabusog sa kape at pandesal, nagpaalam ang apat kay Aling Ester at Mang Sergio na abala na sa mga gawaing bahay, sinasamantala ang pagkakataon habang tulog pa ang tatlong prinsesa.  

“Ingat kayo mga anak ha, mag aral kayong mabuti.” pahabol na bilin ni Aling Ester. Pangarap nitong mapagtapos ang lahat ng mga anak. Isang bagay na hindi nya nakuha para sa sarili.

Nagtatakbuhan at nagpapaunahan hanggang makarating sa school ang apat. Wala pa man sa kalahati ng lakarin ay madilim na ang kalangitan at mukhang nagbabadya ang ulan.

“Kuya! Uulan na!” sigaw ni Isa na pinakahuli sa paglalakad.

Nilingon ng tatlo ang muse. Dumungaw naman ang mahinang ulan.

“Huminto muna tayo sa tindahan ni Manang Letty sakaling bumuhos ang ulan.” mungkahi ni Marco.

Ilang minuto pa’t tuluyan nang bumagsak ang ulan. Nakasilong ang apat sa tindahan kasama ang mga tindang gulay na natatakpan lang ng manipis na plastik. Siksikan ang apat sa maliit na espasyo sa harap ng tindahan. Napuputikan ang mga sapatos sa bawat talsik ng lupa buhat sa ulan.

May dalawang klaseng ulan base sa karanasan ng apat. Iyong una ay ang malakas na ulan, ito ang mas gusto nila dahil kadalasan kapag malakas ang ulan, walang putik sa daan. Iyong pangalawa ay ang mahinang ulan, ito ang pinaka ayaw nila, kadalasan pagkatapos ng mahinang ulan para kang naglalakad sa ibabaw ng kalamay. 

Maswerte sila sa araw na ito, mahina ang ulan. Nanunukso at nanunubok, magkakaalaman na kung sino ang may matibay na swelas. Pag tila ng ulan ay sya namang umpisa ng paglalakad nilang apat. Nauuna sila Oliver at Jayson. Si Isa nama’y nakakapit sa kuya. Marahan ang lakad, nagiingat na hindi matalsikan ng putik ang uniporme.

Kapit..

Angat ng paa..

Hakbang..

Kabisado na ni Isa ang gagawin.Nang biglang!

Sa kakapit nito, nawalan ng balanse si Marco, bago pa man nito maitukod ang kamay ay mabilis na itong napaupo sa putikan. Dumikit ang short sa kalamay. Nanalo ang mahinang ulan at putik.

Napatingin ang Kuya kay Isa na naka krus na ang mga kamay, naghahanda sa nagbabadyang hampas. Isang bagay na hindi pwedeng gawin ni Marco, hindi dahil mapagpasensiya syang kuya kundi dahil maputik ang mga kamay nya. Sya rin ang mahihirapan sa paglalaba.

“Kuya, daan tayo sa poso ni Mang Abet, ako ang magbobomba para malinisan mo yung short mo.”

Isang dismayadong tingin lang ang sagot ng Kuya.

Nahuli ng kaunti sa pagdating sa klase si Marco. Pagbungad nya sa pinto ng silid, hinanap kaagad ng mata nya si Divina. Huminto ito sa isang batang babaeng may lasong puti, mahaba at tuwid ang buhok. Bilugan ang mata. Kayumanggi ang balat. May biloy ito sa pisngi ng ngumiti.

"BREADWINNER" Ang Titulong NakakakalyoWhere stories live. Discover now