Writers Page

338 30 13
                                    

Salamat sayo. Salamat sa lahat ng oras na ibinigay mo sa pagbabasa, sa mga comment na hindi mo ipinagdamot at sa boto na hindi mo pinanghinayangang ibigay. Maraming salamat ulit ha.

April 27, 2014 ipinanganak ang kwento ni Marco. Noong una, wala sa plano na sumulat ako. Nagising ako isang araw sa pangungulit ni Marco, gusto nyang isulat ko ang kwento nya.

Nakilala mo sya mula noong 10 years old pa lang sya, natapos mo ang kwento nya ilang araw bago ang ika 26 na kaarawan nya. Naibahagi nya sayo ang highlights ng buhay nya, kung paano sya hinubog ng mga karanasan nya at kung ano ang itinuro sa kanya ng mga karanasang iyon.

Nasabi ko noon na unang beses akong sumulat ng Story kaya naman malawak ang ngiti ko na sumusulat na ako ngayon ng pasasalamat. Di ko akalain na may patutunguhan ang kwentong to. Kung nakakausap kita dito at kung nagdaldalan na tayo sa comment box. Salamat sayo dahil isa ka sa mga pinagkunan ko ng inspirasyon.

Di ko pa alam kung makakasulat pa ako ulit ng bagong kwento pero kung sakali man, babaunin ko ang lahat ng natutunan ko sa pagsulat sa kwento ni Marco.

Maraming maraming salamat ulit. Hanggang sa muli.

JC

"BREADWINNER" Ang Titulong NakakakalyoWhere stories live. Discover now