Eroplanong Papel

334 27 1
                                    

Nag-aagaw na ang hapon at gabi, pauwi na galing sa pag titinda ng meryenda ang magkapatid na Oliver at Marco. Nadaanan nilang muli ang isang batong bahay na napipinturahan ng kahel na kulay. Dalawang palapag ito at may garahe. Bagamat may bakod, kita pa rin ang ganda at kabuuan ng bahay. Malaki ito at kasya kahit tatlong pamilya.

Minsan na silang nangaroling dito. Lumabas noon ang isang batang babaeng kaedadan ni Oliver, may bitbit itong mga damit. Nakangiti habang isinusuksok sa bakal na bakod at iniaabot ang aginaldo sa kanilang dalawa. Kasama ang pananabik sa bawat higit nila. Tuwang tuwa sila sa mga natanggap na damit, nag iisip kung paano nila ito paghahatian at susuotin.

Tinapos nila ang caroling sa saliw ng “Thank youuuuuu, thank youuuuu ang babait ninyo. Thank you!” Ang batang babae nama’y pumasok na din pagkatapos tawagin ng isa pang babaeng naka puting terno, malamang na yaya nya. Maliit na babae ito na may malaki at malakas na sitsit.

Dalawa pang kanto bago ang bahay nila, pinaghatian na ng dalawa ang mga nakuha. Malalaki karamihan ang mga damit at luma na, kung susuotin nila ito’y malamang na masabihan na naman silang “Sayo ba yan o sa Tatay mo?” Mayroon naman sanang damit na talagang kasya sa kanila, kaya nga lang butas naman ito sa kili kili. Ang iba nama’y malamang na napaglaruan na ng mabait (tawag ito sa daga para daw hindi nila malaman na sila ang pinaguusapan at hindi ka nila perwisyuhin) may ngatngat at halos sira na ang kuwelyo.

Naisip noon ni Marco na pag nagkaroon na sila ng malaki at magandang bahay. Mag bibigay sya ng mga damit na bago pa at kakasya sa mga batang mangangaroling sa kanila. Isinumpa nya yun sa ngalan ng lahat ng batang tumatapat at kumakanta sa harap ng malalaking bahay sa pag asang magiging masaya sa matatanggap na aginaldo.

Patuloy sila sa paglalakad. Isang kanto na lang bago pa ang bahay nila. Kinakabahan si Marco pero hindi nya alam kung bakit. Noong huling beses nya itong maramdaman, naka away nila si Abet. Iniiwasan nya itong madalas kaya lamang palagi rin nya itong natyetyempuhan. Isang salita lang ang nakapagpawala ng pasensyang matagal nyang inalagaan.

"Supot!" 

"Hooooooyyyy, supppooooootttt!" nakangising sigaw ni Abet kay Marco.

Si Abet ay isang batang may katabaan at kayabangan, marami ang nakadikit sa kanya hindi sa dahilang gusto nila ito bilang kaibigan, karamihan kasi ay may takot na pagdiskitahan nito. Ang tatlo pang batang lalaki na kasa kasama nito ay mga kilalang astig sa daan ngunit duwag pag dating kay Abet.  Iyon ang kauna unahang pakikipag away ni Marco.

“Hawakan mo nga ang Tenga!” Sigaw ni Toto na pinakamatanda na sa lahat, gagraduate na ito ng highschool pero ang utak ay naiwan sa pagiging elemetarya.

“Sige nga kung talagang matapang ka, hawakan mo nga ang tenga!” Sigaw naman ni Alex. Isang batang maagang tinubuan ng bigote, binata na ang pakiramdam nito sa sarili kaya lamang ay sanggol pa ang takbo ng utak nito.

"Tingnan natin ang tapang mo, supot!" pang aasar ni Abet.   

Nakakuyom ang kamay ni Marco. Magkadikit ang likod nila ni Oliver. Umiikot sa paningin nila si Abet at ang tatlo pa nitong alalay kasabay naman ng pag pihit ng mga paa nila. Naalala nyang ang pakikipag away din nila noon ay sa dahilang krimen na kung hindi ka pa nakapagpapatuli. Kailangan mong mapatunayan na hindi ka lampa o duwag kundi’y palagian mong maririnig ang mga tuksong “Lampa yan!”  “Wala namang sinabi yan eh!” at "Supot!"

"BREADWINNER" Ang Titulong NakakakalyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon