Ikaw, Breadwinner ka ba?

1K 56 28
                                    

Noong bata ka pa, naranasan mo na bang iwan ang paglalaro para sundin ang tambak na utos?

Nakapagtinda ka na rin ba mula agahan hanggang meryenda para lang kumita ng pera?

Nagpaligo, nagpakain at nag alaga ka na rin ba ng mga nakababata mong kapatid?

Naranasan mo na bang magbantay ng tindahan, mangupit ng pera, pumapak ng tindang tsokolate at makonsensiya?

Nakinood ka ba sa TV ng kapitbahay para lang mapagsarhan ka ng bintana sa gitna ng kasarapan ng panonood mo?

Naubusan ka na rin ba ng kanin kaya sa tutong ka nauwi?

Naranasan mo na bang ma puppy love? Sumagot ka na rin ba noon sa Slum Book?

Naranasan mo na rin bang mapagtawanan dahil maluwag sayo ang isinuot mong damit at sapatos na galing sa hiram?

Nakita mo na rin ba ang sarili mo na naiwang mag isa sa gitna ng nagkukumpulang tao?

Huminto ka rin ba ng pag aaral para makapagtrabaho ng maaga sa kagustuhang makatulong sa pamilya?

Pinili mo na rin ba ang pagbili ng pagkain kaysa luho?

Nagsakripisyo ka na rin ba para sa pamilya mo? Hindi mo ba ikinumpara ang sarili mong buhay sa iba?

Nahulog ka na ba ng ilang ulit sa pag ibig? Binago rin ba nito ang mga pananaw mo?

Nangarap ka bang magtagumpay sa buhay hindi lamang para sa iyong sarili kundi para rin sa mga taong mahal mo?

Kapag kahit isa sa mga tanong na yan ang nasagot mo ng “oo” -para sayo ang kwentong ito.

***

Sabi nila swerte daw ang panganay, sila daw kasi ang unang nakakatanggap ng atensyon at pagmamahal ng mga magulang, unang nakakatikim ng ginhawa bago pa ang paglaki ng isang pamilya. Sa opinyon ni Marco, hindi yun totoo dahil minsan pinangarap nyang maging bunso.

Ito ang nakakatawa at minsa’y nakakaiyak na kwento ni Marco, panganay sa pitong magkakapatid not by choice. Inakala nyang madali lang gampanan ang hamon ng pagiging Breadwinner nya. Hanggang sa maintindihan nya kung gaano kalaki ang responsibilidad kapag nasayo ang titulong yun.

Minsan laman ng panaginip at pangarap nya ang buhay ng pagiging bunso kahit isang araw lang. Handa syang ipagpalit ang posisyon nya pero hindi sya handang ipagpalit ang pamilyang mayroon sya.

Ito ang kwentong magbibigay ng ibang mukha sa tagumpay ayon kay Marco: “Kapag ginusto mong magtagumpay sa buhay, ang pagiging desidido ay may katambal na kalyo.” 

-------------------------------------------------------------------------------------------

Authors Note: 

Ito po ay ang una kong beses sa pag sulat ng kwento, welcome po ang constructive comments, suggestions and tips. At kung magustuhan mo, magiging thankful po ako sa bawat vote na makukuha ng kwentong 'to. Salamat sa panahong ibibigay mo ha. Sana mapangiti kita. :)

JC

"BREADWINNER" Ang Titulong NakakakalyoWhere stories live. Discover now