Bisekleta

267 24 4
                                    

Mag-aalas tres ng hapon. Mabilis ang pidal ni Marco. Nakasakay sa side car nya ang mga tuyo, daing at dilis. Inaalog ito ng mabato at di kalsadang daan. Nag iingay ang mga kahon sa bawat lubak. Naiipit sa isang sulok si Oliver habang hawak hawak ang mga kahon.

Umapak na muli si Marco sa pidal. Binilisan nya ang pag ikot ng paa. Dumoble ang bilis ng ikot ng gulong.

“Ang sarap ng hangin!” naisigaw nya. Napatingin sa kanya si Oli.

“Dahan dahan lang kuya baka sumemplang tayo eh!” malaki ang mata ni Oli nang bigla nyang pagalitan ang kuya, nanlaki din ang butas ng ilong nito.

Nakangiti si Marco. Masarap pala ang pakiramdam na nakasakay sa bisekleta. Binilisan nya ang pagpidal. Narating nila ang paitaas na parte sa bulu bunduking lugar nila, hindi rin ito kinalsada. Bumaba si Marco at Oliver, nag umpisa silang magtulak sa bisekleta. Tulak at walang katapusang tulak. Mabigat ang mga sakay nila. Nautot si Oli sa pagod.

Langit ang pakiramdam ng makarating sila sa tuktok, lumaki ang singkit na mata ni Marco bago ayaing muli ang kapatid na sumakay. Nag umpisa ulit syang pumidal. Dahan dahan bago pa unti unting bumilis. Nakarating sila sa paibabang parte ng daanan at huli na nang maisip ni Marco na dapat syang magdahan dahan. Kumabog ang dibdib nya, hindi nya alam kung papaano nya mapapabagal ang bisekleta gayong kalaban nya sa kontrol ang pabulusok na daan. Pinisil nya ang kontrol sa preno. Inisip nyang marahan lamang ang pag pisil ngunit kabaligtaran ang nagawa nya.  Biglaan ang pagkakapisil nya.

Kumagat iyon sa harapang gulong. Biglaan ang pagtigil ng takbo nila, tumigil din ang paghinga ng dalawa.  Umangat ang likuran ng bisekleta, biglaan ding umangat ang magkapatid palayo sa kinauupuan. Nagsipag liparan ang mga paninda nila. Nagpalayuan ng bagsak ang mga sakay ng bisekleta. Taas ang dalawang kamay ng magkapatid at parang itinapong balat ng saging nang lumapat ang katawan nila sa lupa. Pinakamalayo ang narating ng dilis. Ikalawa si Marco. Ikatlo ang tuyo. Ikaapat si Oli. Nangulelat ang daing. Sumemplang sila. Mabuti na lamang at gasgas lang ang inabot ng dalawa.

May sisihang nangyari kaya lang hindi na ito humaba pa dahil naisip nilang unahin ang pamumulot sa mga paninda. Nasa gitna sila ng daan. Sa kaliwa nila ay ang poso ng bayan, doon nag iigib ang karamihan at sa kanan naman nila ay ang bagong sulpot na bakery. Kaunti lang naman ang tao, kaunti lang ang hindi nakakita sa pag semplang nila.

“Hoy! Bilisan mo ang pag pulot dyan, andoon pa yung isang dilis oh!” Pangungutya sabay tawa ni Abet. Wala pa rin itong pinagbago bukod sa karagdagang laki ng tyan.

“Umalis ka nga dyan!” sabat ni Oli. Sasapakin kita eh! Naka amba na ang kamao nito nang pigilan ni Marco.

“Sige nga kung kaya mo!”

“Hoy Abet, tulungan mo ang Nanay mo doon hindi yung panay lang ang lakwatsa mo!” Napangiwi si Abet sa pag pingot ng tiyuhin nya.

“Kanina ka pa hinahanap eh, kukutusan kita dyan!”

Mabilis na namula ang matabang pisngi ni Abet, mabilis din itong tumakbo palayo sa kanila. Nagtawanan ang magkapatid.   

***

"BREADWINNER" Ang Titulong NakakakalyoWhere stories live. Discover now