Epilogo

431 26 19
                                    

Araw ng linggo, maaliwalas ang hapon sa pagliban ng ulan. Mahigit apatnapu ang mga taong nasa loob ng isang sikat na Fast Food Chain sa pagdiriwang ng isang kaarawan. Kabilang doon ang mga taong malapit sa puso ni Marco. Kinabibilangan din ito ng mga batang edad sampu ang pinakamatanda. Naroon din ang ilang magulang at tagapag alaga ng ilang bata. Malakas ang saliw ng mga boses na nanggagaling sa mga taong nakapalibot sa isang malaking cake.

“Happy Birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday..."

“Happy birthday to you!” kasabay ng pagtatapos ng pagbating iyon ang matunog na palakpakan.

“Happy birthday Mico!” sabay sabay ang matitinis na boses mula sa mga bata, nangingibabaw naman ang boses ng mga nakatatanda.

“Susunod naman ang pagboblow ng candle!” malagong ang boses na nagmula sa isang babaeng nakulong sa payat na katawan ng isang lalaki, nagpakilala itong si Patricia. Patrick daw ang pangalan nito sa umaga. Nangingintab ang nguso nito at nakakahawa ang bawat pagbungisngis.

Natuon ang atensyon ng lahat sa batang lalaking nasa bisig ni Marco.

“Blow the candle Mico.” si Marco na naka pulang polo at may suot na party hat, maliit ang mata sa malawak na ngiti.

Namilog naman ang nguso ni Mico, sumayaw sayaw ang apoy sa kandila sa mahinang ihip nito. Nakatatlong subok ang bata bago pa nagpasya si Marco na tulungan sa pag ihip ang anak.

Namilog na rin ang nguso nya ngunit bago pa nya ihipan ang apoy sa kandila, naunahan na sya ni Milena na noon ay nakaakbay na sa kanya. Litaw na litaw ang pigura nito sa suot na pulang dress, pula rin ang nguso nito at may suot din itong party hat. Kung maswerte ang batang si Mico na maging Nanay ito, hindi nya maikakailang maswerte rin sya. Isinara nya ang bibig sa pagkakanganga.

Nagkatinginan silang dalawa bago malawak ang ngiti na itinuon muli ang pansin sa anak na noon ay naniningkit na rin sa pagtawa.

Umalingawngaw na muli ang palakpakan. Nag anunsyo ang MC na oras na para sa pagpapahayag ng kahilingan ng mga magulang para sa batang may kaarawan.

“Bigyan po natin ng saglit na katahimikan si Daddy dahil masyado po syang emosyonal. “ bumanat ang nakangusong si Patricia, sinesenyasan nito si Marco kasabay ng pag aabot ng mikropono.

Nagtawanan naman ang karamihan sa pagbibirong iyon ni Patricia dahil kabaliktaran ang makikita noon sa mukha ni Marco.

Mahigpit nyang hinawakan ang mikropono, tinuktok nya rito ang hintututo ng tatlong beses. Pinakiramdaman nya ang mainit na tenga at ang malamang ay namumula nyang mukha. Huminga sya ng malalim, tumikhim at saka nagsimula.

Nakatuon ang tingin nya sa kargang bata, “Mico, anak. Happy birthday. Sana lumaki kang mabait at may takot sa Diyos. Sana rin ay biyayayaan ka Nya ng mahabang buhay. Babawi ako sayo, I love you anak.”

Malumanay ang boses nang sabihin nya ang hiling para sa anak. Madali nyang nabigkas ang nilalaman ng puso. Alam nyang hindi pa sya nito lubos na maiintindihan sa ngayon ngunit nakahanda syang patotohanan ang sinabi nyang babawi sya sa anak. Pupunan nya ang nasayang na panahon.

"BREADWINNER" Ang Titulong NakakakalyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon