Waiting Shed

229 19 0
                                    

Nakailang kuyakoy na sya habang nakaupo sa waiting shed na madalas nilang tambayan ni Milena. Nasa dalawampung minuto na nyang inaantay ang kasabay. Kailangan nya ng may makakausap, naguguluhan sya sa kung ano ang dapat na gawin. Kanina pang umaga nya sinisipat ang laman ng pitaka, pinigilan nya ang sariling ibayad ang perang pang tuition.

Naiisip nya ang kahihiyang kasasangkutan ng Nanay nya pero tinatalo ito kapag naiisip nya ang pang sarili nyang kagustuhan. Hindi nya lubos maisip kung bakit nagkalat ang mga taong mandaraya. Bakit nadaya ang Nanay nya gayong wala naman itong ginawang pandaraya sa iba?  

Ilang jeep na rin ang dumaan at ilang ka klase na nila ang kumaway at nagpaalam sa kanya. Tinatanaw nya mula sa di kalayuan ang anino ni Milena. Naging kakwentuhan na nya itong palagi mula noong unang beses na naghawak sila ng kamay. Hindi malinaw kung ano ang mayroon sila pero sapat nang alam nya na gusto nila ang isat isa. Sapat nang alam nya na anumang oras nariyan si Milena para sa kanya.

Muli syang sumipat sa gawing bukana ng eskwelahan. Lumapad ang ngiti nya nang makita nyang unti unting iniluwa ng gate ang inaantay nya. Mula sa sapatos nito na una nyang nakilala hanggang sa makita nya ang mukha nito, pakiramdam nya para syang tinurukan ng gamot at biglang gumaan ang pakiramdam nya.  

Unti unti na itong lumalapit. Nakangiti at tuwid na nakatingin sa kanya. Kumindat, ngumiti at kumaway, hindi nya alam kung ano ang una nyang ibinigay. Hindi pa rin nagbabago ang epekto ng babae sa kanya, nanginginig pa rin ang tuhod nya sa tuwing makikita nya ito. Naglulundagan pa rin ang mga daga sa dibdib nya. Makulit pa ring lumalabas ang butil ng mga pawis nya sa mukha. Palaging parang unang beses, nababalewala ang di mabilang na beses na magkasama sila.

Bigla nitong hinuli ang mga mata nya.

“Marco, pasensya na natagalan ako. Kumuha pa kasi ako ng resibo para sa binayaran ko kanina.” sambit nito bago tuluyang naupo sa tabi nya.

“Ayos lang Milena. Balak ko na rin sana talaga magbayad kanina.” nakangiti sya sa katabi. Hindi nya alam kung paano mag uumpisa.

“Bakit di ka pa nagbayad, may problema ba?” umusog ito palapit sa kanya, lumapat ang kanang kamay nito sa balikat nya. 

“Si Nanay kasi Milena,..” napahinto sya sa pagkakataong iyon.

“May kailangan kaming bayaran sa isang tao na nagpabenta sa kanya ng ilang produkto, naloko kasi sya ng taong iyon.” nag angat sya ng mukha.

“Gusto ko sanang ibigay ang pangbayad ko kay Nanay, kaya lang ayaw naman nyang tanggapin.”

“Ipapabarangay sya ng taong iyon at ayokong maging laman sya ng tsismis sa lugar namin.” pagpapatuloy nya.  “Naaawa ako sa kanya.”

“Kaya pala di ka pa nagbayad kanina.” gulat man ay may halong lungkot ang naisagot nito.

“Paano yan Marco, ibig bang sabihin hindi ka na makakapasok sa susunod na Semestro?”

“Ganoon na nga Milena, magtatrabaho muna ako ulit at mag iipon. Makakabalik ako kaagad sigurado ako.” nakayuko sya, ayaw nyang tingnan ang katabi. Takot sya na bigla syang mapuwing.

"BREADWINNER" Ang Titulong NakakakalyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon