Pitaka

230 17 0
                                    

Halos anim na buwan na ang nakakalipas, ipinagpatuloy ni Marco ang pagbuntot kay Milena. Kung inahing manok si Milena, sya naman ang sisiw. Kung nasaan ang babae naroon din sya. Makailang ulit silang nagkatabi sa upuan sa parehong klase. Makailang ulit ding sabay sila sa pagkain sa kantina. Makailang ulit din ang pagkakasabay nila sa jeep. Ang iba sinadya nya, ang iba kusang nangyari. Makailang ulit at kahit ilang ulit pa nyang gawin ang lahat ng iyon, sigurado sya sa sariling wala syang kapaguran.

Araw ng biyernes, isang oras bago matapos ang pang huli nilang klase, nagkayayaan na magpunta sila sa mall. Noong una’y nakahanda na ang sagot ni Marco na hindi sya makakasama, nag iba ang ihip ng hangin nang si Milena na ang magtanong sa kanya.

“Sama ka Marco?” nakangiti ito sa kanya. Nakaipit ang buhok sa kanang tenga, nakalambitin sa tenga nito ang hugis bulaklak na hikaw.

“Sama ka ba?”  binalik ni Marco ang tanong sa katabi, nakatingin sya sa pag galaw galaw ng hikaw nito.

“Sama tayo.”  sinelyohan nito ng matamis na ngiti at mapungay na mata ang huling nitong sagot.

Natapos sa ngitian ang pagpapasya nilang dalawa. Sapat na ang narinig nya para bulungan ang kaklase nilang si Jay na sasama sya at sasama rin si Milena. Nakita na lamang ni Marco ang sarili na katabi na si Milena sa jeep, byahe ito papunta sa mall na pamamasyalan nila.

Natutuwa pa sya sa tuwing pagpreno at biglaang pag ayuda ng kaskaserong driver. Paano’y napapakapit sa bisig nya si Milena. Katulad ng takbo ng sinasakyan, matulin din ang tibok ng puso nya. May takot si Milena sa mabilis na takbo ng jeep na sinasakyan nila at ang bisig nya ang nakapagpapakalma dito. Nangingiti sya sa tuwing aapak ang paa ng driver sa preno kulang na lang kaibiganin nya ito para mas dalasan pa nito ang pag apak doon. Lalo na nang minsang masubsob sya sa buhok ni Milena.

Kasama nila si Jay at si Noemi na nauto nitong sumama. May lihim na pagtingin si Jay para kay Noemi. Ito ang pagkakapareho nilang dalawa, siya man ay may lihim ding pagtingin para kay Milena.

Umaasa syang isang araw masasabi nya sa dalaga ang talagang isinisigaw ng naduduwag na puso nya. Duwag sya, sakaling sabihin nitong mas matanda ito sa kanya. Gusto nyang bumili ng limang taon pang edad para makaramdam ng tapang at para makasigurong hindi nito magagawang idahilan ang edad. Sa ngayon, wala syang ibang magawa kundi ang maghintay ng tamang pagkakataon.

***

Nauna silang pumasok sa isang sikat na fast food chain. Umorder sya ng isang malaking french fries, hamburger, ispageti at softdrinks para sa kanilang dalawa ni Milena. Nasa kabilang counter naman ang kasama nila. Kinausap na nya si Jay na maupo sa ibang mesa para masolo nila ang kanya kanyang pakay.

Binawasan nya ang perang padala ng Tiya Vickie nya para sa pagbabayad ng tuition. Kinailangan nyang gawin iyon, kapalit ng kupit nya ang kasiyahang makasama si Milena. Ito na ang pagkakataon nya, mas matagal na oras na pagsasama nila.

Nagbibigay ng pera ang babae kanina pero tinanggihan nyang kunin ito. Sya ang lalaki, sya rin dapat ang gagastos. Pikit mata nyang binawasan ang pang tuition nya. Bukas na lamang nya iisipin kung paano magdahilan sa Nanay nya kung bakit nabawasan ang pera.  

Lumingon sya sa mesang kinauupuan ni Milena, ngumiti ito sa kanya. Ilang buwan na rin silang magkakilala. Limang taon ang pagitan ng edad nila, isang bagay na naiintindihan ni Marco. Bunso at nag iisa itong babae, tatlo pa ang kapatid nitong lalaki na nasa Probinsya ng Quezon kasama ng mga magulang niya. Nalaman nya ang ilan sa mga ito sa sanaysay na ipinagawa noon ni Ms. Torres, ang iba naman mula sa mga naging pag uusap nila sa pagkakasabay sa kantina at sa jeep.

"BREADWINNER" Ang Titulong NakakakalyoWhere stories live. Discover now