Pisara at Tisa

317 23 5
                                    

“Ano ang pangarap mo?”

Maliwanag ang pagkakabasa ni Marco sa nakasulat sa pisara. Araw ng huwebes at magtatanghaling tapat na. Mayroong sanaysay na kailangan nilang gawin, bahagi ito ng proyekto nila sa Filipino. Kailangan nila itong maipasa bago mag uwian. Ang titser nila, nakapako ang tingin sa lesson plan nya. Pawisan na ang tuktok nito na may mangilan ngilang buhok. May kapayatan ang pangangatawan at may katabaan ang eyebags. Ikinukubli ito ng makapal na salamin. Si Ginoong Ruiz, isa sa mga paborito nyang titser. Ilang buwan na lamang at iiwan na niya ang buhay High School.

Ang ilan nyang kaklase abala na sa pag susulat. Ang ilan nakatunganga pa, ang ilan naman ay nagnanakaw ng daldal sa tuwing nakayuko ang titser nila. May kanya kanyang grupo ang mga ka klase nya. Isang bagay na natutunan nyang tanggapin. Nakagawa na rin ng ilang kaibigan si Marco, ayaw nya ng padamihan. Nabibilang sa daliri ang mga kaibigan nya, para sa kanya ayos na ang kaunti, ang mahalaga alam nyang totoo ang mga ito sa kanya.

Natatawa na lamang sya sa tuwing maaalala ang insidente sa sapatos at ang ilan pang kapalpakan nya. Iniiwasan na nyang yumuko sa paglalakad ngayon. Naging aktibo sya sa ibat ibang gawain sa paaralan. Mula sa quiz bee hanggang sa pagtakbo bilang bise presidente sa Student Council. Minsan na rin syang lumaban sa Declamation Contest at naipanalo iyon. Nagpalakpakan ang mga nakapanood at napatayo ang ilan. Pakiramdam nya sa pagkakataong iyon, nakilala at natanggap sya ng karamihan. Hindi na lang siya si Marco na baduy at mukhang mangga. Si Marco sya. Wala nang iba pang kasunod na pintas. 

Marami rin ang naging inspirasyon nya sa loob halos ng apat na taon. Marami ang nagustuhan nya na mayroong gustong iba. Maswerte sya sa isang bagay, lingid sa kaalaman nya na may mga kaklase syang babae na may pag hanga sa kanya.

Naisip nyang “Nagkakagusto ako sa mga taong madalas na hindi kayang magkagusto sa akin. Di ko napapansin ang ilan na may paghanga sa akin dahil nakatuon ang atensyon ko sa iba.” Nagpasya syang di pumasok sa kahit anong relasyon. Maliban kay Jasmin na aminado syang malapit ang loob nya. Pwede rin naman yatang may pagkakaintindihan kayong dalawa na hindi selyado ng kahit anong katawagan.

  

Nakapang halumbaba sya, naka tingin sa sahig habang taas baba ang kanang sapatos sa pagkukuyakoy. Napaisip sya “Ano nga ba ang pangarap ko sa ngayon?” Isa lang ang sagot na pumasok sa isip nya. Buo na ang desisyon nyang hindi na muna pumasok sa kolehiyo. Kumbinsido syang kailangan nyang makakita ng trabaho pagkakuha ng diploma nya. Ito ang palagian nyang naririnig noon, magtrabaho upang maiahon ang pamilya sa hirap. Dalawa ang kadalasang epekto ng mga bagay na madalas mong marinig sa pagkabata mo, maaaring ito ang wumasak o bumuo sa pagkatao mo. Kay Marco, alam nyang ito ang bumuo sa kanya.

“Tama ba na ito ang isulat ko?” tanong nyang muli sa sarili. Naglibot ang mata nya. Napaisip sa kung anong isusulat ng iba. 

“Class, huling tatlumpong minuto bago nyo ipasa ang sanaysay.” anunsyo ni Ginoong Ruiz.

“Pipili ako ng dalawa upang basahin, hihingin ko ang mga pananaw ninyo.”  

Kinalimutan ni Marco ang iisipin ng makakabasa, isinulat nya ang sinasabi ng isip at di pinagbigyan ang minsang nakikisingit nyang pag aalinlangan. Bumilis ang galaw ng panulat nya, mabilis ding nagkalaman ang papel.

Mabilis ang pasahang naganap nang sabihin ni Ginoong Ruiz ang pagtatapos ng oras na inilaan nya. Tinipon ng titser nila ang papel at nag umpisang mag tanong.

"BREADWINNER" Ang Titulong NakakakalyoWhere stories live. Discover now