Ika- pito

38 1 0
                                    

SPG

Read at your own risk.

Calla's Point of View

"Ugh! That jerk! Ang sarap balatan at ihawin!" Nakakapang init talaga ng ulo ang lalakeng iyon!

Napagpasyahan kong magpahangin muna kasi kung hindi ay baka matusta ko siya ng wala sa oras. And excuse me! Ang kapal niyang unang mag walk out! Aba't sarap tuhurin ng balls niya!

That man! I can still remember the night that he cheated! Muntik na akong mabaliw dahil sa panloloko niya. Naalala ko din ang reaksyon ng barkada. I can't blame them dahil wala akong pinagsabihan kahit si Dani. She's still broken that time kaya ayaw ko ng dagdagan ang stress niya. So I handled it myself.

"Ugh! Why am I even crying? He doesn't deserve my tears." Natawa ako sa sarili ko dahil umiiyak na naman ako ng dahil sa kanya.

Bakit ba tinatrydor ako ng mga luha ko? Akala ko ba ubos na? Akala ko ba wala na akong luhang itutulo pa ng dahil sa kanya?

Kung hindi lang sana nangyari iyon. Sana okay pa kami. Sana masaya kami ngayon.

Flashback

Today was our anniversary. Napagkasunduan naming sa condo nalang niya mag celebrate. I am so excited!

Nakahanda na ang damit ko na susuotin. Siyempre iyong siguradong maganda para maglaway ang manyak kong boyfriend. Napangiti ako sa naisip.

Ala una palang naman, mga alas tres na ako mag aayos para saktong 4 ay tapos na ako then byahe pa ng one hour papunta sa condo niya. Before 6 ay siguradong andoon na ako. Ayoko ng super maaga dahil siguradong aasarin ako noon na excited ako masyado. Knowing him, feeling kasi noon patay na patay ako sa kanya.

Well, slight.

But unexpected thing happened. Daddy was rushed to the hospital. Nag panic ako kaya agad ay sumugod ako sa hospital. Noong makarating ako sa hospital ay nadatnan ko ang umiiyak na si Mommy. Nakasuot pa siya ng uniform niya, mukhang galing pa siya sa school. My mom and dad are both teachers.

"M-ommy. What happened?" I asked my mom teary-eyed.

"Callaine! Ang daddy mo." Iyak ni mommy so I burst out crying too.

"Naaksidente! Tinawagan nalang ako sa school na nabunggo daw ang kotse ng Dad mo. Ang daddy mo Callaine!"

"Daddy will be fine Mommy." Pag aalo ko kay mommy.

We waited in front of the operating room. After how many hours, the doctor finally came out. Mabilis namin siyang kinausap.

"How is my husband, doc?"

"The operation went successful, ma'am. Your husband is already fine. Hintayin nalang natin siyang magising." Nakahinga naman kami ng maluwag.

"Thank you po, doc."

"Umuwi kana muna, anak. Ako nalang muna ang magbabantay sa Dad mo. Diba may dinner date kayo ni David?" I panicked upon hearing mom's words.

"Oh my God! I forgot!" Mabilis kong kinuha ang phone ko.

1 have 100 missed calls and 200 messages from him. It's already 7pm, sa sobrang taranta ko kasi I forgot to text him.

Mabilis na nagpaalam ako kay mommy at mabilis na pumunta sa condo niya. Paulit ulit kong pinagalitan ang sarili dahil nakalimutan ko ang date namin!

"Pwede po pakibilisan kuya. Nagmamadali po kasi ako." I requested to the driver.

As soon as the taxi stopped. Mabilis na pumasok ako sa elevator at pinindot ang number ng floor ng condo niya.

The Camp Where stories live. Discover now