Labing-pito

30 1 0
                                    

Dani's POV

"A-ano bang sinasabi mo Kells? Walang makakagawa noon sa'tin kay Jude." Turan ni Calla na unang bumasag sa katahimikan. Pero halata naman sa boses niya na hindi din siya sigurado.

"Can't you see? Wag niyo na nga pinagloloko mga sarili niyo! Kung makapagsalita kayo, parang ang perpekto ng pagkakaibigan natin. Alam niyo sa sarili niyo ang mga baho niyo. Atleast me, I've been honest to all of you whom I hate. Eh kayo? Mga pretenders." Sabat ni Bridgette.

Kahit nainis ako sa sinabi ni Bridge ay hindi ko maitatangging may punto siya. We have dark secrets. Each one of us.

Aaminin kong hindi naman talaga lahat sa amin ay magkakasundo. Nabuo lang kami dahil sa mga common friends.

"Stop." Putol ni Kenno. "Wag na muna tayo mag usap. Walang patutunguhan ang usapang ito kung parehong magugulo ang mga utak natin."

"Bakit Kenno? Natatakot ka ba na baka tama si Bridgette?" Mapang uyam na turan ni David. Wala na ang mapang asar niyang sarili. Marahil ay lubusan siyang naapektuhan ng pagkamatay ni Jude.

Halos magkapatid na ang turingan nila. Pero lahat naman kami apektado. Nawalan rin kami.

"Tama na please." Pilit na pinapakalma ni Calla si David.

"Hindi, Calla. Kailangan natin magkalinawagan dito." Hinawi nito ang kamay ni Calla. "Ano? Hahayaan niyo nalang na may kasama na pala tayong mamatay tao. Hindi natin alam may nakatutok na palang patalim sa atin patalikod?"  Mapait nitong turan.

Napayuko ako.

"Bwisit na iyan! Sino naman ang matinong kaibigan ang papatay kay Jude? Gago ka naman pala, pinagbibintangan mo pa kami." Seryosong sabi ni Mirriam. Alam kong kanina pa siya galit at mukhang hindi niya na kayang pigilan.

"Kaibigan nga ba?" Sarcastic na tanong ni David.

"Bro, kalma nga muna. Lalo lang lalala ang sitwasyon kung paiiralin natin ang init ng ulo." Pagpapagitna ni Fred sa usapan.

"Hindi ako kakalma hangga't walang umaamin sa inyo." Matigas na ani ni David.

"Sino ba ang may galit kay Jude dito?" Biglang tanong ni Kelly.

"Kells? Pati ba naman ikaw?" Hindi makapaniwalang sabi ni Calla.

"I am so confused okay? Ayoko magbintang pero may point sina David. Tayo lang ang nandito kaya hindi malabo na one of us is the killer." Naiiyak na sabi ni Kelly.

"Ewan ko sa inyo." Napipikong sabi ni Mirriam.

"Ano? Magbibintangan nalang tayo?" Asar na sabi ni Kenno.

Napabuntong hininga ako. I didn't see this coming.

"Gosh! Umamin nalang kasi. You're so frustrating!" As usual si Bridgette iyon.

"Tanga, may umaamin ba na kriminal." Bulong ni Calla.

"Anong sabi mo? Teka nga. Baka ikaw ang pumatay kay Jude. Kanina ka pa balisa di'ba? Aminin mo na nga! You're the killer, right?" Naalarma naman kami ng tinuro ni Bridge si Calla.

Napatayo na ako.

"Aba! Bakit ako? Wala akong rason para patayin siya. Bwisit ka talaga no? "Galit na sigaw ni Calla.

The Camp Where stories live. Discover now