Tatlumpu't Dalawa

34 2 6
                                    

Jeddo's POV

"Gab, gising. I can see some people ahead." Tawag ko sa katabing si Gab. He's sleeping together with Totoy.

"Hmm."

"I said, I can see some people. Tignan mo." I can't clearly see them since they are a bit far.

I think they are five in total. They are waving at us.

"Ano ba iyon papa Jedd? Istorbo ka naman sa tulog e!" Reklamo nito. Nagising na rin si Totoy.

"Look in front." Utos ko dito.

"Oh my God! May mga tao! Gaga, baka mga kulto na naman iyan ha?"

"Maybe not."

"Wait, parang kilala ko iyong isa." Naningkit ang mata nito. "Is that Bridgette? Oh my G! Siya nga iyan, lakad ng mukhang rampadorang pagod! Hindi ako pwedeng magkamali!"

Napakunot ang noo ko.

"Are you sure?"

"Yes naman. Mula highschool stress na ang beauty ko sa lakad niyan no! Mula dito kita ko ang mga kumikinang niyang varicose veins! Kaloka mamatay na tayo't lahat lahat naka shorts pa rin siya! Ba't kasi malabo mata mo! Meant to be lang ni Dani ganun?"

I ignored his words. "It means it's them."

Hinampas nito ang balikat ko. "Oo nga no! Bilisan mo pag drive. They're waving at us! I can see Dani too, tsaka si Kenno! Oh my G! Mabuti nalang pinurga ako ng nanay ko sa kalabasa noong bata!" He said happily.

I was relieved. I'm glad they're safe. But why are they walking?

Binilisan ko ang takbo ng sasakyan. Nang makalapit na kami ay nakita ko na sila ng malinaw. They don't look so fine but I'm glad they're good.

"Guys!" Masayang sigaw ni Gab na sumilip pa sa bintana. Napailing nalang ako.

"Gabriel?" I think that's Mirriam.

"Gab? Oh my goodness, Gab!" Mukhang hindi nila inasahan na kami ito.

Hininto ko ang van. Unang lumabas si Gab at patakbong sinalubong sila. Hinawakan ko ang kamay ni Totoy. He is hesitant.

"It's okay. They're our friends."

Mukhang naintindihan niya naman ang sinabi ko. Sabay kaming lumabas ng Van.

"My gosh, guys! Hindi niyo alam kung anong gyera ang naranasan namin. Mabuti nalang nakasurvive kami ni papa Jedd! Teka nga, bakit parang mas stress ang face ninyo sa'min? Tsaka bakit kayo lang? Si Kelly tsaka iyong iba?" Sunod sunod na tanong ni Gab.

Napakunot ang noo ko. Bakit kulang sila? Where are the others?

I was expecting for a response but they remained silent.

Something is off.

"Pumasok na muna tayo Van. Mainit na dito sa labas para mag usap. By the way, I'm glad you're able to go back. Binalikan niyo kami." That was Kenno.

"Siyempre naman papa Kenno! Kahit suicide ang nangyari hindi namin kayo iiwan. Buti nalang nakuha namin itong van. Teka, tara na nga sa sasakyan muna. Para kayong mga ano! May pagkain doon sa sasakyan, panigurado gutom na kayo." Pag anyaya ni Gab. Sumunod naman sila sa kanya.

The Camp Where stories live. Discover now