Labing-apat

29 2 0
                                    

Kelly's POV

"Calla, Bridgette tama na!" Sigaw ko habang inaawat ang dalawa. Nakahawak ako kay Calla habang si Kenni naman may Bridge.

"Stop, both of you!" Awat ni Kenno pero wala talaga yatang balak maghiwalay ang dalawa.

They're stressing me!

"Kakalbuhin ko ang babaeng 'to!" Gigil na sigaw ni Calla. I swear they're both strong.

They really had an issue.

"Oh, let's see! Baka ikaw ang makalbo!" Bwelta naman ni Bridge.

Oh come on.

"Dani!" Sigaw ni Kenno habang nakatingin sa likod namin. Napalingon naman ako at nanlaki ang mata ng matumba si Dani.

Napahinga ako ng maluwag ng masambot siya ni Jeddo. I don't know when he arrived. Kung kanina pa ba sya nakikinig or what but it's not the issue right now. Naawa ako kay Dani, she's in so much pain right now. I know her friendship with Dani is real even without money involve. And I know, Dani knows that.

"Ano ba tumigil na nga kayo!" Nakakafrustrate na silang dalawa. I was about to pull Calla harder when Bridge accidentally pushed me.

They're getting into my nerves! Sinamaan ko sila ng tingin but they didn't even notice that I fell. 

Sa sobrang inis ko na dumampot ako ng maliit na sanga. I was out of patience. Dati naman ay nakakapagpigil pa'ko. I suddenly became emotional lately.

Ready na sana ako paghahampasin sila ng may sumigaw.

"What the hell! Mga bakla! Anong event at nagsasabunutan kayo? My God! Bakit tumba si Dani!" Tili ni Gab na nabitiwan ang akay na si Fred.

"F*ck!" Malutang na mura ni Fred nang natumba. Nabitawan kasi siya ni Gab.

"Hala! Sorry papa Fred!" Matinis na sigaw ulit ni Gab. Napapikit nalang ako.

"Ano ba iyan bakla, dadagdag ka pa ata sa injuries niyan." Sermon ni Mirriam. Akay naman ni Jude si David. Kompleto na pala kami dito.

"Calla babes! Kenno pare, tanggalin mo iyang abno mong girlfriend kay Calla babes!" Sigaw ni David.

"What did you say? Abno! Who? Bibitiwan ko lang 'tong girlfriend mo if she's already bald!" Sigaw ni Bridge.

"For pete's sake awatin niyo na nga iyan!" Inis kong sabi habang pinapagpag ang pants ko.

"Ha, tignan natin! Ikaw, hindi lang kalbo, ingungudngod ko pa iyang makalyo mong mukha!" It was Calla. Magpapatalo ba naman iyon.

"Tang*ina awatin niyo na!" Sigaw ko. Daig pa nila ang manok kung magsabong.

"P*ta nagmura si Kelly galit na iyan. Tulungan niyo na si Kenno!" Sabi ni Jude. Ngayon niyo lang narealize?

Sobrang bilis ng pangyayari. Dalawang sunod na lagapak ang narinig namin. Hindi ko nasundan ang paglapit ni Mirriam sa dalawa.

Gulat na napahawak ang dalawa sa pisngi, ayun bumitiw na din sa isa't isa. Ikaw ba naman ang sampalin ng pagkalakas lakas. Sampal lang pala ang makakapagtigil sa kanila.

"Pag hindi pa kayo tumigil, pupukpukin ko nalang kayo ng bato sa ulo. Ano gising na kayo sa kabaliwan niyo?" Inis na bulyaw ni Mirriam sa dalawa.

"You slapped me!" Late na react ni Bridge habang nanlalaki ang mata.

Can she just stop being brat? She really did change a lot.

"Fix yourselves. Tama na, okay? Can we just have peace? Di ba nagpunta tayo dito para magrelax but why is this happening?! J-just please tama na." Nanghihinang turan ko. Naupo ako sa damuhan at inis na naiyak.

Bakit kasi naging ganto? Una naaksidente sila David and Fred tapos ang mga revelations kanina. It's saddening.

We're supposed to have fun pero ganto ang nangyayari.

Napaupo nalang ako at naiyak. Hindi ko din maintindihan bakit madali akong magbreakdown.

"Oh, Kelly. Sshh. I'm sorry." Lumapit si Calla sa'kin at niyakap ako.

"Sorry talaga. Sana hindi nalang ako pumatol. Sasabihin ko naman talaga kay Dani, I'm j-just finding a perfect time. S-sorry." And then we are both crying.

They became silent. Si Bridge na magulo pa din ang buhok ay natahimik rin.

Si Kenno ay biglang natulala at mukhang malalim ang iniisip. Si Gab and Mirriam naman, malungkot ang mukhang nakatingin sa'min. Si Jude at David, seryosong nakatingin lang sa amin.

Hindi ko na makita si Jeddo. I don't know  when he left us.

"Let us head back to the camp. We need to eat. Mukhang nakakalakad na din itong dalawa. We will leave after eating. This camp is over." Kapagkuwan ay turan ni Kenno. Wala namang umangal. This camp is tiring. It's not what I imagined to be.

Unang umalis si Kenno na hindi tinapunan ng tingin ang girlfriend.

"Let's go."

Sumunod na rin kami sa kanya. Pagkarating namin doon tahimik lang kaming umupo at tumingin sa pagkain. Sobrang awkward ng katahimikan. Wala si Jeddo at Dani. Si Bridgette naman ay nasa tent yata.

Bahala na siyang magutom.

"Ehem, kain na."

"Lamon na us."

Sabay na sabi ni David at Jude. Sila lang talaga nakakapagsalita. Tahimik naman kaming kumain. Pansin kong parang kanina pa gustong magsalita ni Gab pero pinili niya nalang na tumahimik.

Iyon na ata ang pinakamahabang kain namin.

Para ngang hindi ako nabusog dahil hindi ko naman talaga nagalaw ang pagkain ko. Wala akong gana at parang hindi ko gusto ang amoy ng pagkain.

Hindi naman ako mapili. Hotdog and sausages ang ulam namin.

"Ay diet, te?" Bulong sa'kin ni Gab na ubos na ang pagkain. Mukhang napansin nito na hindi ko nagalaw masyado ang pagkain.

"Wala akong gana, e."  Tamad kong sagot.

"Wag mo na ngang isipin muna iyon, papanget lang tayo."

Nginitian ko nalang si Gab. Nagtabi nalang kami ng food for Dani, Jeddo and Bridge. Medyo malayo layo din ang lakad namin kaya baka magutom sila pababa.

Pagkatapos naming kumain ay tumungo na kami sa tent para mag ligpit ng gamit.

It's so sad that we end up like this. Mukhang aalis kami ng bundok na ito ng may samaan ng loob. I can't help myself to blame Bridgette, alam ko naman na nahihirapan din siya pero hindi nakakatulong ang pagiging maldita niya.

She's not like that before!

I guess people really change. I hope everything will be okay.




A/N

Sorry for the multiple cussing. It's just our characters needed to for their role.

The Camp Where stories live. Discover now