Dalawampu't-lima

29 2 0
                                    

Third Person's POV

"Kasalanan mo ito." Sambit ni Calla gamit ang matamlay na boses. Tuyo na ang mukha nito matapos ang pag iyak.

Napayuko lang ang nobyo nito. Alam niya na tama nga ito, kasalanan niya. Kahit kasinungalingan na naman ang sinabi niya rito tungkol sa pagkawala ni Fred ay nagalit pa rin ito sa kanya.

Paano pa kaya kung malaman nito na pinanuod niya lang ang kaibigan na mabawian ng buhay sa harap niya?

Hindi man siya ang direktang pumaslang dito ay may kargo pa rin siyang konsensya.

"K-kung hindi ka lang sana nagpadala sa emosyon mo. S-sana buhay pa sila, hindi sana mawawala si Fred, hindi tayo magkakahiwalay, hindi napatay ni Mirriam si Kelly. A-at." napahagulhol ulit ang nobya.

Napakuyom ang kamao ni David. Tama nga ito, hindi sana mangyayari ang mga iyon kung hindi siya nagpadala sa galit. Buhay pa sana sila.

"H-hindi kita mapapatawad at ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Dani!" tumalim ang titig nito bago humagulhol.

Hindi siya sumagot. Tinanggap niya ang mga sinabi nito. He is guilty anyway.

Nang makatulog na sa pag iyak ang nobya, ay iniwan niya ito sa loob ng kotse. Malalim na ang gabi, huling tingin niya sa relo ay mag aalas dose na ng hating gabi.

Paglabas niya ay sumalubong ang malamig na hangin sa kanyang mukha. Napabuntong hininga siya.

Dinala siya ng paa sa kaibigang nakagapos pa rin hanggang ngayon. Bakas ang pagod sa mukha nito at madumi na ang damit.

Lahat naman sila ay pagod. Ilang araw na rin sila hindi nakatikim ng ligo at matinong pagkain.

"Balak mo na ba akong patayin?" napatingin siya kay Mirriam ng magsalita ito. Buong akala niya ang tulog na ang babae.

Hindi siya sumagot. Inaamin niyang galit siya. Galit siya dahil pinatay nito ang matalik niyang kaibigan at si Kelly. Pero hindi na niya dudungisan pa ang sariling kamay.

Kahit paano ay kaibigan din niya ang babae. Ang babaeng minsang minahal ng matalik niyang kaibigan.

"I don't want to give you the favor." sabi niya bago tinapunan ng tingin ang babae.

"Gusto kong pagdusahan mo ang ginawa mo. Gusto kong usigin ka ng konsensiya mo, sa bawat pagtulog mo ay mukha nila ang makita mo. Sa bawat pagpikit ng mata mo, maalala mo ang dugong dumingis sa kamay mo. Mabubulok ka sa kulungan. Hanggang sa hilingin mo nalang na mamatay ka nalang. Mabuhay ka para pagdusahan ang kasalanan mo."

Sa sinabi ni David ay parang nalusaw ang maskarang kanina pang suot ng babae. Ang kaninang matapang nitong mukha ay napalitan samu't saring emosyon.

Nagsimulang lumandas ang mga luha nito hanggang sa tuluyang humagulhol. "P-pakiusap. P-patayin mo nalang ako!"

Imbes na sagutin ito ay nagtanong ang binata. "Masaya ka ba? Masaya ba na napatay mo na sila?" lalong umiyak si Mirriam.

Sa loob loob ng babae ay nagsisisi siya ng sobra. She felt contentment but not happiness. Nagpadala siya sa galit at poot at iyon ang malaki niyang pagsisi.

"P-please, end my misery." pakiusap sa kanya ng babae.

"You'll live with it." malamig na tugon ng binata matapos siyang iwan.

Wala siyang nagawa kundi ang umiyak at pagsisihan ang kasalanan.

"We'll live with it." mahinang usal ng lalaki na hindi na narinig pa ng babae.

The Camp Where stories live. Discover now