Prologue

105 2 0
                                    

"Uy icheck mo iyong messenger mo. Nabuhay ang GC  ng barkada. Uuwi daw c Kelly. Balak nilang mag reunion tau. Sama ka?"

Basa ko sa text ni Calla. Kanina pa ng alas dyes ng umaga ang text niya. Ngayon ko lang nabasa dahil busy ako. Tinatapos ko mga manuscript na dapat ipapasa sa editor ko.

Napahikab ako, alas onse na ng gabi ayon sa nakasabit na Slamdunk themed wall clock ko.

Buong araw akong nakababad sa laptop, tinanggal ko ang suot na salamin at hinilot ang sintido. Pakiramdam ko ay napakalagkit ng mukha ko, ilang oras na namang nakatutok sa gadget.

Isa akong writer sa isang publishing company, malayo sa tinapos ko ng college na BSBA. Hilig ko na talaga ang magsulat dati pa, ang mga magulang ko lang talaga ang may gusto ng course ko since pareho silang into business.

Hindi naman daw kasi ako yayaman sa pagiging writer. But, writing is my passion. Okay naman sa'kin ang status ko. To eat atleast twice a day is enough for me.

Tumayo ako at bumakas ng cup noodles, napabuntong hininga ako ng wala na palang spicy. Habang hinihintay na maluto ay dinampot ko ulit ang cellphone. Inopen ko ang wifi at nagulat ako sa lakas ng matinis na tunog na galing sa messenger. Sunod sunod iyon kaya hininaan ko ang volume. Inopen ko ang GC namin na ilang taon ng tahimik. Tinatamad pa akong mag backread pero curious din ako sa pinag usapan nila. Nasa labing isa kaming miyembro ng group chat na Team Buraot ang palangan. That's how we call our group back then in high school.

Napangiti ako ng maalala ang mga panahong magkakasama kami, old but gold, pero hindi ko alam kong magiging komportable pa ba kami sa isa't isa kung magkikita kita ulit kami.

Marami na ang nagbago. We parted ways after we graduated in high school. Magka iba na din kasi kami ng universities na pinasukan. Tanging kami lang ni Calla ang schoolmate noong college.

Ako lang ata ang hindi online kanina. Kompleto silang sampu, pati si Calla nakikisali din sa usapan. Nagpaplano sila para sa pagkikita namin ulit dahil uuwi si Kelly, ilang taon din siyang hindi umuwi ng Pilipinas.

I'm sure miss na noon maarawan.

May nagsuggest ng overnight sa isang resort, may pajama party at merong camping. Pinili nila iyong camping para mas masaya daw. Wala pa nga lang fixed na date at venue since may kanya kanya na ding mga trabaho ang lahat.

Inopen ko ang chat ni Calla, sa aming magbabarkada siya lang ang madalas ko nakakausap thru chat or text, minsan nagkikita din kami since medyo magkalapit ang workplace namin. Isa siyang propesor sa unibersidad kung saan kami grumaduate. Nakakausap ko naman ang iba kaso casual na kamustahan lang, hindi din kasi ako active sa social media. Madalas ay hindi na ako makapagreply.  Busy din kasi ako sa mga on-going stories ko.

"Sama ka? Sasama ako kapag sasama ka."

Basa ko sa chat ni Calla. Hindi ko maiwasang magdalawang isip, alam kong nagdadalawang isip din siya tulad ko. Pero magandang pagkakataon din iyon para maayos ang faction ng barkada. Hindi ko din maipagkakaila na isa ako sa may kasalanan kung bakit nahati ang barkada namin. And I am always guilty about that. Gusto kong magkaayos kaming lahat tulad ng dati. This reunion is a great way.

"Sasama ako."

I replied to Calla. I hope everything will go according to the plan.



A/N
Ayan, hindi ko alam kung bakit wala ako sa mood iupdate iyong on going stories ko. Plano ko sana e tapusin muna ang Hiling tapos iyong Istorya ta naman. Pero, biglang nagka idea naman ako kaya eto may isang on - going naman. Baka eto muna tsaka iyong Santala ang tutukan ko:)

The Camp Where stories live. Discover now