Epilogue

52 1 0
                                    

Natutulog na ang lahat kaya lumabas na ako ng tent.

Masyadong mahimbing ang tulog ni Calla, ni hindi man lang ito nagising ng masagi ko ang paa niya.

Tama iyan, matulog kayo ng mahimbing. Dahil bukas ay umpisa na ng kalbaryo nating lahat.

Mabilis na nakarating ako sa baba kung nasaan ang mga sasakyan namin.

The shortcut was really reliable.

Kinuha ko ang kutsilyo mula sa bag na dala ko. Isa isa kong tinusok ang mga gulong ng sasakyan.

Hindi ko maiwasang matawa habang pinapakinggan ang maingay na paglabas ng mga hangin mula sa mga gulong.

This is so satisfying!

Hindi pa ako nakontento. Matapos butasin ang lahat ng mga gulong ay isa isa kong kinuha ang mga reserba.

Medyo nahirapan ako pero nagawa ko ring tanggalin at butasin.

Pinagulong ko na rin ang mga iyon sa hindi gaanong kalalim na pangpang.

Napaupo ako dahil sa pagod. Halos maligo na rin ako sa pawis. Medyo nanginginig na rin ang mga kamay ko dahil sa paggamit ng sobrang lakas.

Nang tingnan ko ulit ang mga sasakyan ay biglang nanubig ang mga mata ko.

"A-anong ginawa mo?" Nangangatal na bigkas ko.

Inis kong pinahid ang mga luha sa mata ko. Ito na naman siya.

"Tumigil ka. Tinutulungan lang kitang makagawa ng magandang istorya."

Kahit kailan talaga ay mahina siya. Ano nalang ang mangyayari sa kanya kung wala ako?

Umiling iling ako. Hindi ko makapa ang laging dala kong mga gamot.

Napailing ako. Ayoko nun. Ayokong maging mahina ulit.

Ayokong masaktan ulit. Tama lang ang ginawa ko.

Matapos ang ilang saglit ay bumalik rin ako sa campsite.

Nahirapan akong makapasok ulit sa tent namin ni Calla dahil may nakatoka nga palang bantay.

Mabuti nalang nagawa kong makabalik ng wala man lang nakakapansin.

Halos tulog mantika si Calla ng maabutan ko. Mabilis akong nagbuhis at kumuha ng wet wipes.

Ilang kuskos rin ang ginawa ko para matanggal ang mga dumi at grasa sa kamay ko.

Nang halos mamula ang mga iyon ay ipinatong ko ang isang hoody jacket sa suot kong sando para takpan iyon.

Nahiga ako ulit na para bang walang nangyari.

"T-tama na po!"

Halos maubusan na ako ng lakas at boses dahil sa matagal na pagpipiglas.

Pero ayaw niyang tumigil.

Masyado akong mahina at masyado siyang malakas para makawala ako.

"Huwag ka ng malikot. Mabilis lang tayo."

Lalo akong natakot dahil sa mga ngiti niya. Lumakas ang hagulhol ko ng hawakan niya ako sa hita.

Hindi ko na napansin na wala na pala ang isa kong sapatos. Wala na rin sa ayos ang suot kong uniform.

"G-gusto ko na pong umuwi, Kuya."

Pero hindi siya nakinig. Inamoy amoy niya ang leeg ko hanggang sa maramdaman ko ng labi niya rito.

The Camp Where stories live. Discover now