Tatlumpu't isa

28 2 1
                                    

Dani's POV

"N-nasaktan lang ako, Dani. Kinain ako ng galit. Pero ngayon, sising sisi ako sa ginawa, alam kong habang buhay akong uusigin ng konsensya ko. May nadamay pang inosente na bata. I'm the worst!" Emosyonal na paliwanag ni Mirriam.

Dama ko ang sakit, pagsisisi at paghihinayang sa boses niya.

Hindi ko na alam ang mararamdaman matapos niyang ikwento ang lahat sa'kin. Mula sa pagpatay niya kay Jude hanggang kay Kelly. Lalo akong nanlumo ng malamang buntis pala si Kelly.

Walang kasalanan ang bata.

Pero hindi ko rin kayang tuluyang sisihin si Mirriam. Tao lang din siyang may emosyon, pero hindi pa rin tama ang ginawa niya. Naaawa ako sa kanya sa totoo lang.

Alam kong kahit puno ng galit ang puso niya sa kanila, sigurado akong nagdalawang isip din siya.

Iyon nga lang at nagpadala siya sa galit niya.

"H-hindi ko alam ang sasabihin. Masakit sa akin ang nangyari kana Kelly at Jude. A-at lalong mas masakit na ikaw ang may gawa noon. Pero naiintindihan kita, iyon nga lang ay mali talaga, Mirriam. Maling mali." Nag umpisang tumulo ulit ang luha ko.

"P-pero salamat at nagpaliwanag ka. Kasi sa totoo lang, ang dami kong tanong. Bakit nangyari ito sa'tin? Bakit nagkaganito? Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili. S-sina Calla, wala na sila. Hindi pa nakakabalik sina Jeddo. H-hindi ko na alam. Hindi ko na alam, Mirriam." Pagpapatuloy ko habang umiiyak.

Napatakip nalang ako sa mukha. Pagod na pagod na ako.

"I'm sorry, hindi mo kasalanan." Paulit ulit nitong sabi. Lalapit sana ito ngunut pinili niya nalang yumuko.

Nakatali pa rin ang mga kamay niya.

Nang mahimasmasan kami pareho ay inaya ko na siyang bumalik sa kanila. Mabuti nalang at pumayag si Kenno na mag isa kong kausapin si Mirriam. Alam ko naman, hindi niya ako sasaktan.

Nang makarating kami ay magkakahiwalay silang nakaupo. Si Kenno at Bridgette lang ang magkatabi. Nang mapansin nila ang presensya namin ay tumayo si Dred.

Lumapit ito sa'kin.

"Okay ka lang?" Malumanay nitong tanong.

Tumango nalang ako kahit hindi naman talaga. Inaya ako nitong maupo sa kinauupuan niya kanina.

May inabot siyang mineral water na kalahati na ang bawas at isang biscuit. Mukhang nainom niya na ito.

"S-sorry last nalang iyan."

Wala na din kasi kaming supplies dahil sobra na kami sa araw na dapat istay namin. Sana lang talaga ay may maghinala sa hindi pa namin pag uwi at magpadala ng tulong.

I know my mom won't worry about me kasi sanay naman itong hindi ako nakakasagot palagi sa tawag niya.

I just hope that one of my companion's family would try to look for us.

Ininom ko na ang tubig na hawak. Ilang lagok lang iyon at kulang pa, ngayon lang ata naging masarap para sakin ang lasa ng tubig. Ilang oras na rin akong uhaw at gutom.

Napadako ang tingin ko kana Kenno, pero nahuli ko itong nakatitig sa'kin kaya umiwas agad siya ng tingin.

Hindi ko siya maintindihan. Dama ko naman na hanggang ngayon corcern pa rin siya sa'kin. Pero hindi ko pa rin siya napapatawad sa ginawa niya kay Dred.

He always disappoints me.

Nilibot ko nalang ang tingin at napadako iyon kay David. Ibang ibang David ang nakikita ko ngayon.

The Camp Donde viven las historias. Descúbrelo ahora