Tatlumpu

29 0 0
                                    


"Dani?"

Si Mirriam ang unang nakabawi sa pagkabigla dahil sa pagdating ng dalawa. Masaya ito dahil ligtas ang kaibigan. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya.

Ngumiti ng bahagya ang bagong dating na  si Dani, "Akala ko hindi na namin kayo maaabutan."

"Dani." Lumipat ang tingin niya kay Kenno. Nakikita niya ang kislap ng mata nito nang makita siya pero napalitan ng gulat ang mukha nito ng makita kung sino ang kasama niya.

"F-fred?" Gulat nitong tanong. Para siyang nakakita ng multo.

Natawa naman ang huli sa itsura ni Kenno. Napangisi siya sa reaksiyon nito. "Gulat na gulat ka yata. Hindi ko alam kung maswerte lang ako o kung sadyang hindi ka lang asintado. Masamang damo yata 'to." Muli siyang ngumisi para insultuhin ang lalaki. Tinapunan din niya ng tingin si David na parang wala sa sarili. Napakunot ang noo niya.

Napakuyom nalang ang kamao ni Kenno. Siguradong alam na din ni Dani ang ginawa niya sa lalaki.

Nagkaroon bigla ng tensyon ang paligid at ramdam nilang lahat iyon. Maging si Bridgette ay hindi nagawang magtaray dahil kinakabahan din ito para kay Kenno. Si Mirriam lang ata ang walang ideya sa nangyayari.

"Anong nangyari sa inyo? Mabuti nga at nakabalik sila. Hindi ba kayo masaya?" Pagtatanong niya sa kasama. "Para kayong mga tanga." Dugtong pa niya. Hindi kasi mapinta ang mukha ng mga kasama niya.

"Teka, ano pala ginagawa niyo diyan? Naghukay ba kayo? Nasaan ang iba? Si Kelly?" Sunod sunod na tanong ni Dani para mahupa ang tensyon. Bakas din ang pagtataka sa mukha ng dalaga dahil hindi niya makita ang ibang mga kaibigan. Palinga linga ito sa paligid. Tsaka bakit nagtatabon ng hukay ang mga ito sa isip niya.

Nagkatinginan naman ang apat. Nawala ang ngiti ni Mirriam at napasulyap kay David na seryoso lang ang mukha.

"Sabi ni Kelly babalikan niya ako, mabuti nalang nakita ako ni Dred. Teka, asan pala si Calla?" Dugtong niya.

"S-sinong Dred?" Takang tanong ni Bridgette.

Biglang natauhan si Dani, sumulyap ito sa lalaking kasama niya bago nagsalita. "May gusto nga palang sabihin si Fred. Pero nasaan muna ang iba, mas mabuti kung nandito din sila para isahan nalang ang paliwanag." Pagsasagot ni Dani. Tumango lang sa kanya si Dred.

"Kami nalang ang natira. So better spill the tea." Prangkang sabi ni Bridgette. Umiiral na naman ang katarayan nito.

Naguluhan naman ang mukha ni Dani sa sinabi nito? Iniwanan na ba sila ng iba? "A-anong ibig mong sabihin?"

"D-dani." Napalingon siya kay Kenno. Umiling ito kaya lalo siyang kinabahan. Muling napadako ang tingin niya sa ngayong bagong takip ng hukay. Nagkaroon ng ideya sa isip niya.

"W-wala na si Calla, Dani." Mula ng dumating ang dalawa ay ngayon lang nagsalita ulit si David. "Ang Calla ko, w-wala na siya." Kinumpira nito ang hinala niya. Nanghina bigla ang tuhod niya kaya lalapitan na sana siya ni Kenno pero naunahan siya ni Dred.

Lalong humagulhol si Dani. Walang siyang nagawa kundi ang umiling. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Kahit naman may hinanakit siya sa kaibigan ay hindi niya gugustuhing mawala ito. Si Calla ang pinakamalapit sa kanya.

Paanong nawala ito? Hindi maayos ang huli nilang pagkikita. Hindi man lang niya nasabi na hindi siya galit rito.

"H-hindi! Calla!" Puno ng sakit na sigaw Dani.

The Camp Where stories live. Discover now