Ika-lima

42 2 0
                                    

Dani's POV

"Uhm, guys hindi pa ba kayo napapagod? Can we take a little rest muna? My feet hurt like hell!"

Sabay kaming napalingon kay Bridgette.

"Wow, nahiya naman ako sa kanya. Siya pa ang unang nagreklamo eh wala nga siyang kahit anong bitbit. Kepay lang niya." Bulong ni Calla sa akin. Dala kasi ni Kenno ang bags ni Bridge. Yeah bags, dinala niya yata buong bahay niya.

"Ssshh, hayaan muna nakakapagod naman talaga." Sabi ko nalang.

"Okay, rest muna guys." Anunsiyo naman ni Kenno. Ako ang naawa sa dami ng bitbit niya.

Wala namang nagreklamo at kanya kanya kaming hanap ng pwesto. We are already walking for almost an hour. Nakarating na nga dapat kami doon kung hindi lang kami naliligaw. Napabayaan na kasi itong lugar, mukhang matagal ng walang pumupunta kaya nagtataasan na ang mga damo at hindi na makita ang daan.

Kanina pa sila nagrereklamo kay Fred dahil siya ang nagdala sa'min dito.

"Pahinga muna kayo, maglilibot muna kami baka malapit na tayo." Sabi ni Fred sabay hatak sa umiinom ng tubig na si David.

"Uy, uy teka lang pre, walang damayan." Reklamo ni David.

"Samahan muna pre, para mas mabilis." Sabi naman ni Jude kaya pati siya ay hinatak ni David.

Maingay na nagrereklamo ang dalawa habang hatak hatak ni Fred.

"Babe, tadtad na ako ng kagat ng lamok. Ugh, what's wrong with this mosquitoes! Bakit ba kasi tayo naliligaw eh!" Inis na reklamo ni Bridge.

"May dala akong off lotion doon. Pakikuha nalang sa bag, Bridge." Sabi naman sa kanya ni Kenno na kausap si Mirriam. Habang si Gab at Kelly naman ayun panay ang kuha ng litrato sa paligid.

"Tss pabebe. Korny ng endearment nila parang baboy. Babe my foot." Bulong naman ni Calla.

Napabuntong hininga nalang ako. Bridgette change so much. Back then when we were high school she's a sweet girl. Siya din ang pinakatahimik at pinakamabait sa barkada. I don't know what happened.

Panay din ang irap niya tuwing magkakasalubong ang mga tingin namin. Bakit kung umasta siya ay parang ako pa ang nanloko sa kanila? Parang ako pa ang may kasalanan. Napailing nalang ako.

"Hey." Napaangat naman ang tingin ko sa lumapit na si Jeddo.

"Oh, upo ka muna." Aya ko sa kanya.

"Hi there, Mr. CEO." Bati sa kanya ng katabi kong si Calla na malapad ang ngiti.

Ngumiti lang sa kanya si Jeddo.

"So, may girlfriend kana?" Siniko ko naman si Calla. Kahit kailan talaga ay baliw ang babaeng 'to.

"Uh, none." Diretsong sagot naman ni Jeddo.

"Talaga? Bakit naman? Ano ba tipo mo sa babae Jedd?" Tanong ni Calla na nakangisi sa'kin. Hindi ko alam kung ano ang trip niya. Napaka random kasi ng tanong.

"Wag munang pansinin ang tanong ni Calla." Pag aalo ko kay Jeddo.

"Ay sagutin mo iyan, Jedd."

"Like Danielle. Ganun ang tipo ko sa babae." Nagulat ako sa sinabi niya. Bigla din nag init ang pisngi ko.

Parang tanga namang nagtitili si Calla. May pahampas pa siya sa akin.

The Camp Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt