Dalawampu't-pito

31 1 0
                                    

Gabriel's POV

"Ano na ang plano papa Jedd? Mag uumaga na. Mahihirapan tayong makuha ang Van kapag maliwanag na. Tapos wala pang gasolina!" Mahinang tanong ko kay papa Jedd.

Inis kong tinampal ang dumapong lamok sa balat ko. Kaloka, ako pa talaga ang naisipang imukbang.

Diring diri na nga ako sa amoy ko, tapos magkaka dengue pa ang beauty ko.

Sana dinala ko iyong off lotion ni Bridgette.

Deserve ko talaga ng spa kapag nakaligtas kami dito. Tapos milk bath with roses.

Bet ko naman ng mga adventure pero hindi gantong adventure. Sino ba naman ang matutuwa kapag hinahabol kayo ng mga mamamatay tao.

Kaloka. Daig pa namin ang sa Wrong turn.

Sana talaga ay isinama ko nalang si Bridgette para ibigay na alay. Siguro ay tatantanan na kami nila Mang Rogel. Tutal para magkasilbi naman ang babaeng iyon, ialay nalang namin. Masyado na kasi siyang nagmamaldita at bida bida.

Samantalang dati, dry at maraming split ends naman iyong buhok niya.

"Kailangan nating puntahan ang kubo ni Ka Ising. Siguradong doon nakatago ang gas ng Van." Napabuntong hininga ako sa naging sagot ni Jedd.

Ito na naman ang mga suicide na plano ni Jeddo. Lagi yata akong aatakihin sa puso dahil sa mga plano niya.

"E paano kung wala doon ang gas?" Tanong ko nalang. Paano kung pagpasok namin doon ay hindi na kami makalabas?

Goodbye spa na ang beauty ko? I can't die like this.

"Then we will die."

Diretsong sagot ni papa Jedd. Nang lingunin ko siya ay seryoso naman siya.

"Ano? Payag ka na lang na ma tyugi tayo dito? Paano na ang happy ending niyo ni Dani? Hindi ako papayag na mamatay ka! Sayang ang lahi!" Panic na sabi ko.

Hindi ako papayag na may gwapong nilalang ang mawala sa mundo. At syempre, magandang nilalang na din. Malaking kawalan kapag nawala ako.

"I was just kidding, Gab. Just trust me."

Pero hindi ko na appreciate ang pag jojoke ni papa Jeddo. Medyo nakaka turn off.

"Hay naku! Kung di ka lang gwapo ay hindi ko ilalagay sa alanganin ang buhay ko. Pero seryoso papa Jedd, ayoko pang mamatay. Nagpapaaral pa'ko ng pamangkin, alam mo naman na hindi kasing yaman niyo ang pamilya ko. Ako lang inaasahan nila." Ewan ko ba at bigla kong nakita ang mukha ng Nanay ko. Bigla tuloy akong naging emosyonal.

Kahit hanggang ngayon ay bitter pa rin siya sa pagiging pusong babae ko dahil hindi ko nasunod ang gusto niyang pakasalan ang anak ng kumare niya, mahal ko pa rin ang motherness.

Buti nalang at nabuntis ng iba ang babaeta kaya tumigil na din ang Nanay ko.

Ang Ate ko naman ay lagi yata kung magpakamot sa asawa kaya ayon taon taon kung manganak.

Kaloka. Taon taon nalang kung magbukaka.

Akala yata niya ay mag ere lang ang obligasyon niya, mabuti nalang at ang cucute ng mga pamangkin ko.

Nagmana sa'kin.

"You're not going to die. We are not going to die." Seryoso nitong sabi. Kahit papaano ay napanatag ang loob ko.

The Camp Where stories live. Discover now