Dalawampu't - tatlo

25 1 0
                                    

David's POV

"Who are you texting, love?" tanong ni Kenno sa nobya na kanina pa nagtitipa sa cellphone niya.

"Jeddo. He said he can't come." malungkot na sagot naman ni Dani.

Well, that dude is KJ.

"Hayaan mo na, love. Hindi kapa nasanay sa lalaking iyon. Nandito naman kami, just enjoy this night. I'm sure you'll miss Kelly so bad." inakbayan nito ang girlfriend.

"Oo nga bes, cheer up!" sabi naman ng katabi nitong si Bridge.

"Sige na nga. Nasaan na si Kelly?" ibinulsa nito ang cellphone at napakunot ang noo habang nakatingin sa mga boteng wala ng laman. "Ang dami niyo ng nainom ah?"

"Guys! She's on the way na daw. Tumakas pa ang gaga sa pa despedida ng parents niya." yumakap ako sa kakaupo lang na si Calla babes.

Ang bango talaga ng babes ko.

"Hoy! Lasing na agad? Hindi pa nga tayo nag uumpisa. Wala pa iyong iba." sermon ng babes ko habang tinatanggal ang kamay ko sa katawan niya.

"Babes, hindi pa kami lasing. Mataas kaya alcohol tolerance namin." tsaka San Mig lang naman tinungga namin.

"Sira! Sabihin mo lasinggero ka lang." ismid nito tapos bumaling kay Dani.

"O, ba't nakabusangot iyan?"

"Hindi kasi makakapunta si Jeddo kaya ganyan."

"E, wala naman kasing hilig iyon sa ganto. Tsaka kay Dani lang naman kasi may paki iyon. Kung despedida 'to ni Dani, pupunta iyon. Hayaan mo na, Dani. Tulungan nalang kitang sapakin siya bukas."

Ang amazona talaga ng Calla babes ko.

"What's up guys!" napalingon kami dahil sa matinis na boses ni Gab. May bitbit itong mga plastic bags na hula ko ay mga pulutan ang laman.

Sa likod nito ay si Fred na as usual, naka polo na checkered at nakasalamin. May bitbit itong kahon ng alak.

"Kayo pa lang?" Tanong ni Gab matapos maupo sa tabi ni Bridge. Kinawayan naman ni Dani si Fred na naupo sa tabi ni Kenno.

"May nakikita ka pa bang iba, Gab? Wala diba, kaya kami palang." sagot ko rito.

"Alam mo papa David, minsan ang sarap mong hampasin ng bote. Pero wag nalang, baka mabugbog ng sadista mong girlfriend ang beauty ko." sabi nito habang inaayos ang fake lashes niya.

Hindi ba siya nahihirapang makakita?

"Hindi okay lang. Hampasin mo na, tulungan pa kita." napangiwi naman ako. Bakit ang violent mo, babes?

"Battered boyfriend kana pala, Dabid." natatawang sabi ni Dani, mukhang nakabawi na sa hindi pagsipot ng bestfriend niya.

Dapat talaga ay ilayo ko si Calla sa kanya. Baka maimpluwensiyahan.

"Oo nga madam e, pero okay lang. Mahal ko e."

Naghiyawan naman ang mga kaibigan namin. Kahit medyo dim ang ilaw ay kita ko ang pamumula ng mukha ng babes ko.

Kinikilig iyan. Ang gwapo ko talaga.

"Mga banat mo talaga, pare. Panis!" sabi ng nasa likod namin.

"Hudas!" nag fistbump kami ng kadarating lang na si Jude. Kasunod nito si Mirriam na mukhang bad mood.

Napangisi ako, saan kaya 'to galing?

The Camp Where stories live. Discover now