Labing-Lima

33 1 0
                                    

Calla's POV

Gusto ko nalang talagang batukan ang sarili. Bakit ba kasi pinatulan ko pa ang babaeng iyon? I shouldn't stoop down that low, pero sumusobra na kasi talaga.

She ruined everything.

Nahihiya ako kay Dani. Hindi ko alam kung mapapatawad ba niya ako. I hate to admit it but Bridgette is right. Dani's parents pay my tuition.

Hindi ko naman talaga gustong maglihim, sasabihin ko naman talaga. I just didn't find a timing. Ang mali lang sa sinabi niya ay napilitan lang akong samahan si Dani.

I love Dani so much. She's a sister to me.

Mabigat ang loob akong nag ayos ng mga gamit. Nandito ako sa tent namin ni Dani. Hindi ko alam kung nagising na siya mula kanina. Gusto ko siyang puntahan pero parang hindi ko pa kaya. Hindi ko kaya ang guilt na mararamdaman mo kapag nakita siya. Nahihiya ako.

"Hey."

Napalingon ako sa pumasok na si David. Ika ika siya kaya dali dali ko siyang inalalayan.

"Ano ba! Ba't lakad ka ng lakad eh injured ka pa nga!" Sermon ko sa kanya.

Ang tigas ng ulo.

"Okay na ko Calla babes. Hindi na din masyadong masakit."

Sabi nito habang inaalalayan ko. Kaya pala halos magkulay ube na ang paa niya. Sarap kutusan.

"Kahit na! Maupo ka nga muna diyan. Ang kulit naman ng lahi mo. Sinabi nang pumirmi." Malalim ang sugat niya kaya imposibleng maghilom iyon agad.

Ang kulit!

"Ikaw okay ka lang?" I was caught off guard. Napapatitig ako sa kanya. He looks serious na minsan ko lang makita sa kanya.

My tears began to fall again. I'm not okay.

"Sshh. Come here, babe." I hug him and cried on his shoulders.

"I don't want to keep it to her. S-sasabihin ko naman talaga eh. That bitch just ruined my timing."

"Ssshh. Dani will understand. You know her." Alo niya habang tinatapik tapik ng marahan ang likod ko. Mabuti nalang at nandito siya.

"Sana nga. Sana nga."






We are now going down the mountain. Pinahid ko ang butil butil na pawis sa mukha ko. Tanghaling tapat pero ito kami naglalakad pababa. Tahimik ang lahat. Parang hindi magkakilala. Si Bridgette na sadyang makapal ang mukha ang panay dada.

Napalingon ako sa hulihan, naroon sina Dani at Jeddo sa hulihan. Hindi ko maiwasang malungkot ng mapatingin kay Dani. She's walking emotionless and I kinda feel guilty about that.

Pagkagising niya, she didn't talk. Si Jeddo lang ata ang naglakas loob kumausap sa kanya.

Napairap nalang ako ng marinig na naman ang reklamo ni Bridgette. Pang sampung reklamo na ata niya pero wala namang pumapansin sa kanya.

Pampam kasi.

Sina Kelly at Gab ay seryoso na malimit sumuway sa kanya pwera sa akin ay hindi siya pinapansin. Ganoon din ang boyfriend niya na paniguradong badtrip din sa kanya. Si Mirriam naman ay tila malapit na ding maubos ang pasensya. Hindi na ako magtataka kung biglang bulyawan niya ang higad.

Si Jude naman bulong ng bulong habang akay si David. Alam kong awkward din siya dahil sa atmosphere.

Napabuntong hininga nalang ako.

The Camp Where stories live. Discover now