Huling Kabanata

35 2 0
                                    

Dani's POV

"Anong gagawin natin? Para tayong nasa wrong turn, kaloka!" Stress na tanong ni Gab.

Hindi na ba talaga mauubos ang problema namin?

"Sagasaan mo nalang. Mukhang hindi madadaan sa pakiusap!" Sabi naman ni Mirriam. Pinanlakihan naman siya ng mata ni Gab.

"What? Mamatay tao ka talaga!" React naman ni Bridge.

"Wow, parang hindi ka rin nakapatay a?" Sarkastikong balik naman sa kanya ni Mirriam.

Mamatay na nga kami nag aaway pa rin sila.

"Tama na nga iyan. Pag ugtugin ko talaga kayo! Ano na papa Jedd? Anong gagawin natin? Alangan na bumalik pa tayo?" Tanong naman ni Gab.

Siya nga kasi ang driver.

Nagulat kami ng biglang tumili si Bridge. "Guys, they're moving! They are coming. Do something!" Sigaw nito habang tinuturo ang isang batalyong mga tao sa harap namin.

"Oo bakla nakikita namin! Wag ka ngang sumigaw. Lalo akong nasstress sa iyo e!"

Napabuntong hininga ako.

"Sagasaan mo nalang Gab, tatabi naman ang mga iyan kapag nakita nilang babanggain sila." Suhestiyon ni Kenno.

Lumingon si Gab kay Jeddo, tumango lang ang huli.

"Kumapit ka." Bulong ni Dred na katabi ko.

Binuhay ulit ni Gab ang makina. Mabilis ang takbo ng sasakyan namin. Ako naman ay kabadong kabado. Nang medyo malapit na kami sa kanila ay napatili nalang kami ng makarinig kami ng putok ng baril.

Someone is shooting at us!

"Yuko! Yumuko kayo!"

Yinakap ako ni Dred. Ganoon din ang ginawa ng ibang lalaki.

Napasigaw si Bridge ng gumiwang ang Van.

"Shit Gab!" Sigaw ni Jeddo.

Pero huli na. Bubunggo na iyong sasakyan namin sa puno!

Isang malakas na paghampas ang narinig ko. Masakit ang ulo ko at nanlalabo ang mata ko.

"G-guys!" Tawag ko sa kanila. They were all unconscious.

Nang tignan ko si Gab ay nanghina ako. Bukod sa sugat sa mukha dulot ng bubog ay masaganang dugo ang lumalabas sa lalamunan niya.

Natamaan siya ng bala!

Si Jeddo din ay duguan. Nakayakap siya sa bata. Parang biglang umikot ang paningin ko. Pilit kong nilalabanan ang antok pero hindi ko na kaya.

Bago pa mawala ang malay ko ay nakita ko pa ang pagbukas ng kung sino sa pinto ng van.

"T-tulong."

Naalimpungatan ako dahil sa mabahong amoy. Masakit iyon sa ilong. Dahan dahan akong napamulat ng mata.

Madilim.

Iyon ang unang kong nakita. Bahagya akong gumalaw pero napaungol ako dahil sa ang sakit ng katawan ko. Para akong hinampas.

Nang makapag adjust na ang paningin ko sa dilim ay naaaninag ko na ang paligid.

Maraming dayami, at parang nasa loob kami ng isang kubo. Nilibot ko ang tingin at nakita ko ang mga nakahandusay kong mga kasama. Lahat sila ay walang mga malay.

The Camp Where stories live. Discover now