Labing-tatlo

33 2 0
                                    

Dani's POV

Mabilis na bumitiw kami sa pagkakayakap sa isa't isa.

"Walang hiya ka! Malandi!" Hindi na ako nakaiwas ng matulin na lumapit si Bridge sa akin. She harshly grab and pulled my hair.

"Sabi ko na nga ba! You b*tch! Kakalbuhin kita!" Sa sobrang gulat ko ay hindi ako nakagalaw.

Ang sakit ng anit ko sa pagkasabunot niya. Ramdam ko ang gigil niya sa bawat paghila ng buhok ko. Si Kenno na mukhang nagulat din ay tuod sa kinatatayuan niya.

"Bridge, let go!" Nahihirapan kong sigaw. Parang wala yata siyang balak bitiwan ang buhok ko.

"Hey! Bridgette stop that!" Nagpasalamat ako ng mahila niya mula sa akin si Bridge.

Mukhang natauhan na rin si Kenno.

Gulo gulo na ang buhok ko. Ang sakit sakit din ng anit ko!

"What! Babe! She's seducing you! Bitawan mo'ko. I will kill this b*tch!" Nagpumiglas siya sa pagkakahawak ni Kenno pero hindi siya makaalis. She's glaring at me.

Galit na galit ang babae.

"It's not what you think, babe! Why did you do that? Sana man lang nagtanong ka hindi iyong manunugod ka at mananakit! Hindi kana bata, Bridgette!" Galit na pangaral ni Kenno. Tumigil naman si Bridge sa kakawala.

"W-what? Kasalanan ko pa? You're hugging each other!" Hindi makapaniwalang turan ng babae.

"Mali ka ng iniisip, Bridge." Mahinahon kong sabi. Naluha na din pala ako dahil sa hapdi ng anit ko.

"Shut up! I'm not talking to you!" Matalim niya akong tiningnan.

Napapikit ako. Patience, Dani.

"What's happening here?" Nandito na rin pala sila.

Sa lakas ba naman ng sigaw ni Bridge ay rinig kahit nasa kabilang bundok ka.

"Oh my God! What happened to you, Dani?" Gulat na tanong ni Calla habang nakatitig sa gulo gulo kong buhok. Magkasama sila ni Kelly.

Hindi nila kasama sila Mirriam.

"Iyan! Iyang malanding iyan! Hinarot lang naman niya ang boyfriend ko! Ano hindi maka move on?" Dinuro niya ako at sasabunutan sana ulit. Mabuti nalang at nandyan si Kenno para awatin siya.

"Bridgette! I said stop it!" Galit sa sita ni Kenno.

"No! Kailangan nilang malaman kung gaano kalandi ang babaeng iyan!"

Pumigitna kaagad si Calla.

"Wow! Are you talking to yourself? Kung may malandi man dito, ahas! Ikaw iyon!" Gigil na sabi ni Calla.

"Hey, calm down Calla." Alo ni Kelly dahil parang lalabas na ang ugat ni Calla sa leeg.

"Ito kasi eh! Ang pasmado ng dila. Siya lang naman ang higad dito. Makati pa sa makati." Nakapamaywang na turan ni Calla.

"Ano bang nangyari? Dani?" Tanong ni Kelly sa akin.

"Nahuli ko nga siyang nilalandi ang boyfriend ko!" Sabat ni Bridge.

"Pwede ba tumahimik ka munang Valentina ka?" Inis na sabi ni Calla.

"Did you just call me-"

"Yes I did. Angal ka?" Napapikit ako. Ayaw talagang magpalugi ni Calla.

"You please shut up. Lalo kana Bridge. Makinig ka muna okay?"

The Camp Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon