Labing-anim

38 1 0
                                    

Kelly's POV

Pumasok muna ako sa kotse namin. Siguradong matatagalan pa sina Gab. Sana naman makahingi sila agad ng tulong. Kung may signal lang sana ay hindi kami mamomroblema ng ganto.

Hindi rin kami pwedeng maghintay rito ng dadaan na sasakyan. This road I think is being abandoned. Mukhang matagal ng walang pumupunta rito. Tanging kami lang ulit.

Ngayon pa talaga kami minamalas.

"Pahinga muna ako sa loob." Paalam ko kay Mirriam. Tumango naman siya.

May iba ding pumasok muna sa mga kotse nila habang ang iba ay nagpa iwan sa labas.

Matutulog muna ako. Bukod sa pagod pababa ng bundok ay pagod din ako emotionally. My body feels weird too.  Kung tama nga ang teorya ko kailangan naming makauwi na agad.

I can't stay here long.

Naalimpungatan ako ng may mahinang kumatok sa bintana ng kotse. Ibinaba ko ang salamin.

Si Calla pala.

"Kells, sorry sa istorbo ah. Nandiyan ba si Jude?" Nag aalala niyang tanong.

"Ha? Wala mag isa lang ako dito. Bakit?" Tanong ko habang inaayos ang sarili.

"Nasaan ba ang ungas na iyon? Kanina pa namin hinahanap eh." Problemado niyang saad.

Tuluyan na akong lumabas ng kotse. "Bakit ano ba nangyari?"

"Eh, ayun nga napagpagpasiyahan ng lahat na tumungo muna sa mga kotse para magpahinga dahil nakakatamad kung maglatag pa ng tent. Nasa kotse ako ni David kasama si Jude. Nakatulog kami tapos biglang naihi itong si David kaya magpapatulong muna dapat ako sa pag alalay kay Jude pero wala na siya sa loob ng kotse. Hinanap ko sa mga kasama natin pero wala din." Mahaba niyang paliwanang.

"Baka nandiyan lang iyon." Maligalig pa naman ang lalaking iyon at baka kung saan saan lang nagsusuot.

"Kanina pa namin iyon hinahanap eh.
Baka kung ano nangyari dun." Nag aalalang saad ni Calla.

I pat her shoulders.

"Wag kana masyado mag alala. Nandyan lang iyon. Nasaan na ang iba?" Nawala na tuloy ang antok ko.

"Kasi naman diba? Sa dami ng nangyari sa'tin dito. Minsan nakaka freak out na."

Callaine has been always a positive person. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito. Sabagay many years have passed.

Lahat kami nagbago na base na rin sa mga experiences.

"Wag na nga tayong masyadong ma stress. Magluto nalang muna tayo para sa tanghalian. Gutom na din ako. Kapag wala pa siya mamaya. Sama sama natin siyang hanapin." Suggestion ko nalang. Tsaka hindi naman bago ang basta nalang mawala si Jude. Masyado siyang makalat na tao.

Maybe we're just freaking out for nothing.

"Sige, pero iyon pa nga ang isang problema eh. Nawawala iyong bag na lalagyan ng mga stocks natin."

Gulat akong lumingon sa kanya.

"Ha? Paanong nawala?" Nandoon iyong mga natitira naming supply ng food.

"Diba si Gab ang may dala noon kanina? Wala kasi dito eh, kukuha sana dapat kasi si Mirriam ng cup noodles. Kulang iyong bag natin. Konti nalang din pa naman iyon tapos nawawala pa." Problemado niya namang sabi.

The Camp Where stories live. Discover now