Labing-walo

33 1 0
                                    

Gab's POV

Kanina pa kami lakad ng lakad. Medyo maputik pa ang daan dahil umulan. Ang putik na tuloy ng sapatos ko, parang walang katapusan itong paglalakad namin tapos wala pa rin talaga kaming makitang tao o bahay. Kahit aso o pusa, wala!

Ang layo na ng agwat ko kay Jeddo. Hindi ba napapagod tong lalaking ito? Naliligo na ako sa pawis eh!

Hinabol ko ito. "W-wait lang papa Jeddo! Pwede ba magpahinga muna tayo saglit? Feeling ko bumababa na matress ko! Tsaka magpaka gentleman ka naman, ikaw na kaya magdali nitong bag! Jusko, napakabigat!"

Pagrereklamo ko. Hindi man lang niya kinonseder na babae ang kasama niya.

"Tss, we should not waste time. Tsaka bakit ba kasi ang laki ng bag mo na dala?"

Napapameywang ako.

"Hello! Kailangan natin 'to no? Teka lang, inom muna ako tubig." Naubos na yata ang tubig ko sa katawan sa sobrang haba ng nilakad namin. Nastress ako, napakasungit pa netong kasama ko! Kay Dani lang ata ito mabait.

Dapat ang mahaderang si Bridgette ang ipinasama nila e! Para kapag mag inarte iyon ay mahampas siya ni papa Jeddo at ng maalog ang utak.

Makakuha nalang nga ng tubig sa bag. Bakit ba ang bigat netong bag ko, hindi naman 'to mabigat noong pababa kami ng bundok?

Muntik ko ng mabitiwan ang bag ng makita ang laman. Anong katangahan ang nagawa ko.

"Hey Gab, can you check your phone kung may signal na? It will be easy if we just contact some help."

Mas lalo akong napalanok ng magsalita si Papa Jeddo. Jusmiyo, bakit ibang bag itong dala ko? Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil ang stocks namin ang nadala ko.

"May signal na ba?" Tanong ulit ni Jedd ng hindi ako nakapagsalita.

Patay na kami nito.

"A-ahm, may problema tayo." Kinakabahan kong sabi.

"What is it?" Tanong nito pero hindi ako nilingon.

"Ibang bag ang nadala ko, nasa bag ko ang phone. Sorry talaga Jedd." Paghingi ko ng sorry.

Bakit kasi magkapareho itong bag ko at bag ng supplies?

"What? You mean hindi mo nadala?" Problemado niyang sabi.

Alanganin akong tumango. "Sorry talaga."

"We don't have a choice. Kailangan natin lakarin ito hanggang sa highway. Let's just hope na may dumaan na. Sa tantya ko ay malayo pa tayo sa unang barrio rito." Buntong hininga niya.

"Oo nga, kailangan natin silang mabalikan agad. Baka mamatay sila sa gutom." Problemado kong sabi. Baka unang mamatay si Jude, matakaw pa naman iyon.

"What do you mean? May supplies pa tayo diba?" Kunot noo niyang tanong.

Napalunok ako. "E-eh iyon pa nga ang isang problema. Kaya pala ang bigat nitong bag ay ang bag pala ng supplies ang nadala ko. Sorry talaga parehas kasi sila ng dala ko ding bag." Gusto ko talagang sapakin ang sarili. Ang dami na nga naming kamalasan tapos ngayon pa naging tanga ang beauty ko.

Hindi talaga ako magagalit kapag nahampas ako ni Jedd. Kasalanan ko naman talaga, dapat kasi si Mirriam nalang isinama o kaya si Bridgette e.

Kita ko naman ang pagpapakalma ng kasama ko sa sarili niya

"Hurry, we have no time to waste."

"I'm really sorry papa Jedd huhu."

"It's fine."

The Camp Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon