Labing-isa

31 1 0
                                    

Dani's POV

"Nakakainis talaga ang babaeng iyon! Lumalabas na talaga ang tunay na kulay, samantalang dati, siya itong santa sa ating magkakaibigan. Bakit ba naging bestfriend mo iyon, Dani? Pasalamat talaga siya at wala ako doon kundi baka nginudngod ko siya sa lupa!" Gigil na sabi ni Calla.

Nasa tent kami ngayon. Naikwento ko na sa kanya ang nangyari kaya ayan gigil na gigil. Nagpasalamat naman siya at nakita na si Fred.

"Hayaan nalang natin siya. Baka siguro nagbabago lang talaga ang tao."

Tsaka lahat naman nagbabago. Ewan ko, pero namimiss ko iyong dating kami. Iyong nagkakasundong kami.

"Sabihin mo ganyan na talaga siya dati, ang kaibahan nagpapanggap lang siyang maamong tupa." May halong inis na sabi niya.

Napasingkit ang mata ko.

"Alam mo, ang init ng ulo mo sa kanya. Hindi ka naman ganyan sa kanya dati di'ba? You used to be close."

Natigilan siya noong sinabi ko iyon. Dapat nga ako ang mas magalit dahil ako ang niloko. Pero iba din kasi ang hugot niya.

"A-ahh. A-ano kasi?" Nauutal niyang palusot, something is off.

"May problema ba, Calla?" You're hiding something.

Napatitig muna siya ng matagal sa'kin bago nagsalita. "Fine. Ang talas talaga ng pakiramdam mo." Bumuntong hininga siya. "Naalala mo iyong kwento ko dati? Kung bakit kami naghiwalay ni David?" Seryoso na ang mukha niya.

"Oo?" Naguguluhang sabi ko.

"Ang malanding kaibigan natin. Siya ang kahalikan ni David ng gabing iyon. Hindi lang si Kenno ang inahas niya, Dani. Inahas din niya ang boyfriend ko. She ruined us." Nakakuyom ang palad na pag amin niya.

Gulat ako sa nalaman. Nanghihinang napakuyom ako ng palad.

She's a slut!

Paano niya nagawa sa amin ito? For Pete's sake! Sila na ni Kenno ng time na iyon. Anong ginawa namin sa kanya para saktan  kami ng ganito.

"That bitch!" Hindi ko napigilang sabihin.

"Kating kati nga akong balatan iyan ng buhay. Mabuti nalang at hindi na naulit iyon, sabi ni Dabid. He's drunk that time pero iyong babaeng iyon, she's still sane that night. She knows what she's doing!"
Nanggigigil na sabi niya. Maski ako ay ganoon din ang nararamdaman.

I felt bad for the both of us.

"Hmm." Napatigil kami at napalingon sa umungol na si David.

Gising na siya!

"Omg! Dani! Si David!"

Dali dali namin siyang nilapitan.

"He's a awake!" Sabay naming sigaw.

Hindi ko napigilan si Calla nang dinamba niya ng yakap si David.

"Ouch! H-hey, babe. I can't breathe." Reklamo nito pero yinakap din naman pabalik si Calla.

"Hala, I'm sorry!" Gulat na sabi ni Calla. Mukhang nakalimutan niyang pasyente pa ang nobyo.

"Ehem, Cals easy napaghahalataan ka." Siko ko sa kaibigan. Namula naman siya at mukhang nahiya sa ginawa. Natawa nalang kami.

The Camp Where stories live. Discover now