Dalawampu't- dalawa

32 1 0
                                    

Third Person's POV

"Pasensya na sa pagkain. Ito lang ang karaniwang hinahain namin dito." Pagsasalita ni Mang Rogel habang nilalapag ang kamoteng kahoy, iilang prutas at konteng karne.

"Madalang lang kami makakain ng kanin dito dahil malayo kami sa pamilihan." Sabi ng asawa ni Mang Rogel na si Aleng Inday.

"Naku, okay lang po kami. Swerte na nga po kami at pinatuloy niyo kami. Hehe." Pagsasalita ni Gab. Sa totoo lang ay kinakabahan siya kahit mabuti naman ang pakikitungo ng mag anak sa kanila.

Hindi niya din alam kung bakit.

"Maraming salamat po sa pagpapatuloy niyo. Tanggapin niyo po sana ito bilang pasasalamat." Inabot ni Jeddo ang iilang libong papel kay Mang Rogel.

Nagkatinginan ang mag asawa bago sabay na umiling.

Nagtaka naman ang binata kung bakit hindi iyong tinanggap ng mag asawa.

"Tanggapin niyo na po, Mang Rogel. Naku, barya lang iyan kay Jeddo. Mayaman po iyan."

"Wag na, ginoo. Hindi naman namin kailangan iyan."

"Pero magagamit niyo po iyan kahit sa pag aaral ng anak niyo at pangangailangan na din." Pangungumbinsi ni Gab. Sa isip niya ay baka nahihiya lang ang mag asawa.

"Hindi nag aaral ang anak ko. Hindi namin kailangan ng edukasyon. Basta't alam mo lang kung paano mabuhay ay sapat na iyon para sa amin." Sagot naman ni Aleng Inday.

Parehong nagulat ang dalawa. Magsasalita pa sana si Gab ng hawakan ni Jeddo ang kamay ni Gab upang pigilan.

"Naiintindihan po namin." Magalang na sagot ni Jeddo. Ayaw niyang ma offend ang mag asawa.

"Sige na, kumain na kayo ng makapagpahinga."

Hindi na sila nag inarte pa at kumuha ng pagkain sa mesa.

"Masarap po itong karne. Manok po ba ito?" Pagtatanong ni Gab habang ngumunguya ng inihaw na karne. Masyado kasing tahimik at silang dalawa lang ni Jeddo ang kumakain.

"Karne iyan ng ibon."

Nabilaukan siya ngunit ng makita ang mukha ng mag asawa ay nilunok niya nalang iyon. Ayaw niyang isipin nina Mang Rogel na nag iinarte siya.

Habang si Jeddo naman ay tanging saging lang ang kinain.

"Hindi ho ba kayo kakain?" Tanong naman ni Jeddo habang nakatingin sa anak nilang tahimik lang.

Sa unang pagkakataon ay ngumiti ang asawa ni Mang Rogel. Masyado kasi itong seryoso kanina pa.

"Wag niyo na kaming intindihan. Mamaya pa ang aming hapunan."

Kahit naguguluhan ay hindi na nagtanong pa ang dalawa.

"Pasensiya na iyan lang ang mapapahiram namin na higaan. Sigurado ba kayong ayos lang kayo dito sa salas?" Pagtatanong ni Mang Rogel habang inaabot ang banig, kumot at unan.

"Naku, wag na po kayong masyadong mag aalala. Keri na po kami dito." Nagpapasalamat sila sa kabutihan ng matanda.

"Oh, sige. Magpahinga na kayo at lalakad pa kayo bukas."

"Sige po. Maraming salamat."

Pagkapasok ng lalaki sa kwarto ay nilatag na nila ng banig para mahigaan.

"Papa Jedd. First time kong makahiga sa banig. Hays, for sure sasakit likod ko nito pero keribels na din. Choosy pa ba ang beauty ko ay pinatuloy nga lang tayo." Sa isip niya ay mas maayos na iyon kesa sa daan sila magpahinga.

The Camp Where stories live. Discover now