Dalawampu't walo

24 1 0
                                    

Third Person's  POV

Sa madilim at masukal na bahagi ng gubat ay magkatabing nag uusap ang isang babae at isang lalake.

"What's the plan?" Paos na tanong ng lalaki sa kasama. Ilang oras na rin siyang hindi nakatikim ng tubig. Tuyong tuyo na ang lalamunan niya.

"Continue pretending like a naive woman?" Patanong na tugon sa kanya ng babae. Bumuntong hininga muna ito bago muling nagsalita. "Kailangan na nating bumalik, don't worry I'll make sure that Kenno will take responsibility for shooting you." Kahit naman nagsinungaling sa kanila ang lalaking katabi niya ay hindi niya magawang magalit rito.

Naiintindihan niya ito.

Natawa ang lalake sa sinabi ng babae. "Yeah. Mamamatay tayo dito sa gutom at uhaw kapag hindi tayo umalis. Hayaan muna, buhay pa naman ako. Isang suntok lang ang kapalit nito, tsaka akala nun patay na ako. Tsaka hindi naman siguro aalis ang mga iyon ng wala ka, baka nga hinahanap ka na ng mga iyon." Sagot ng lalaki bago sumandal sa puno ng kahoy.

Napabuntong hininga si Dani. "Kailangan ding matignan ng sugat mo. Kahit di mo sabihin alam kong nanghihina ka na rin, maraming dugo na rin ang nawala sa iyo." May pag aalalang sagot naman niya.

Kahit daplis lang ang tama nito ay kailangan pa ring maagapan lalo't matagal din bago tumigil ang pagdurugo niyon.

"Ayos lang ako. Sanay na ako sa mga tama ng bala. Baka nakakalimutan mong pulis ako. Doon lang yata ako hindi nagsinungaling. Wag kang mag aalala, sasabihin ko sa kanila pagbalik natin kung sino talaga ako."

Naiiling na tugon naman ng lalaki. May mas malala pang nangyare sa kanya dahil sa trabaho. Hindi isang daplis lang ng bala ang papatay sa kanya.

Isa lang ang natutunan niya sa camping na ito. Walang magagawa ang paghihiganti. Hindi na niya maibabalik pa ang buhay ng kapatid.

"Makakalakad ka ba?" Tanong ni Dani na nakatingin sa paa ng lalaki. Pahilom na ang mga sugat doon.

Masyadong mabilis ang pagtuyo ng sugat. Mabisang gamot ang nailagay doon ni Jeddo.

"Ayos na ang paa ko. Pagputok ng liwanag ay lalakad na tayo."

Tumango nalang ang babae sa sinabi nito. Kailangan na niyang bumalik sa mga kasama, kahit alam niyang nagsisinungaling lang ang mga ito sa kanya.

She can't totally hate them. Kasi alam niya sa sarili niya. Pare pareho lang din sila.

Sa kabilang banda naman ay kalong kalong ni David ang isang bangkay habang nakatayo naman sa likod niya sina Bridgette at Kenno.

"David. Pare, kailangan ng ilibing si Calla." saka lang umangat ng tingin ang lalake. Kalong pa rin nito ang bangkay ng nobya. Matalim niyang tinignan si Kenno. Ayaw niya. Ayaw niyang tanggapin na wala na ang mahal niya.

"Hindi." Seryoso ang mukha niya. Gusto niyang magwala. Gusto niyang patayin ang gumawa nito sa kanyang nobya, pero wala siyang lakas. Ayaw niyang alisin sa paningin ang katawan ng babae. Bumuhos muli ang kanyang luha, sana hindi nalamg niya iniwan ito.

Kasalanan niya.

"Kailangan niya ng ilibing. Hindi natin alam kung kailan tayo makakauwi. Hindi natin alam kung makakabalik pa ba sina Gab. Kahit gusto ko man na iuwi ang bangkay ay hindi pwede. Kailangan na rin nating hanapin sina Dani at lumakad. Kailangan na nating kumilos para makaalis tayo sa lugar na'to." Pagkukumbinsi ni Kenno kay David. Kahit papaano ay gusto din niyang magkaroon ng maayos na libingan ang babae at maiuwi sa pamilya nito ngunit wala silang magagawa. Naiipit din sila sa sitwasyon.

The Camp Where stories live. Discover now