Dalawampu't siyam

23 1 0
                                    

Gab's POV

"Totoy? Anong ginagawa mo dito?" kaloka naman ng batang ito. Hihimatayin ako sa kaba, akala ko kung sino na.

Hindi ako sinagot ng bata, lumapit ito sa kulungan at may kinalikot, makaraan ang ilang minuto ay bumukas ang pinto ng kulungan!

Nagkatinginan kami ni Jedd.

"Sumunod kayo sa'kin." Mahina nitong sabi at tumalikod. Napatingin ako kay papa Jedd, nag kibit balikat lang ito. Kahit naguguluhan ang beauty ko ay sumunod nalang ako sa bata. Mukha naman siyang harmless.

"Tama bang sumunod tayo sa kanya? Anak pa rin siya ni Mang Rogel." Bulong ko kay Jedd, pero kalmado lang ang lalaki. Ano bang iniisip nito? Bakit hindi man lang siya kinakabahan?

Makipot ang dinadaanan namin. Nasa bahaging likod ito ng kubo kung saan kami kinulong. Napahinto kami ng huminto ang bata. Muntik na akong sumigaw ng biglang sumulpot si Mang Rogel.

"Gshshhsu." Tinakpan ni papa Jedd ang dry kong lips. Bakit ganon? Mabango pa din ang palad niya kahit wala pa kaming ligo at mamatay na kami. Unfair.

"Sshhh. Wag kayong maingay. Sumunod kayo sa'kin."

Aangal pa sana ako kaso hinila na ako ni papa Jedd. Ano bang nangyayari kay Jeddo? Parang kanina lang ay hinampas niya sa ulo si Mang Rogel tapos ito kami ngayon nakasunod sa kanya. Duda na talaga ako sa kaligtasan namin. Suicide talagang kasama si papa Jedd!

May iniabot na isang galon si Mang Rogel kay papa Jedd. Nanlaki ang mata ko ng malaman kung ano ito. Gasolina!

"Lilibangin ko sila. Tumungo kayo agad sa garahian kapag nagkagulo. Ang pinangako mo sakin, hijo. Ikaw ng bahala kay Totoy."

Wala akong maintindihan sa pinagsasabi nila. Pwede paki explain.

"Mag iingat kayo, Mang Rogel. Maraming salamat po. Makakaasa kayong iingatan ko si Totoy."

Nawindang ako sa sinabi ni Jeddo. Bakit parang snob ako sa eksena. Haler, andito pa ako?

"Mag iingat ka, Totoy. Alam kong may kamag anak ka pang babalikan. Patawad, patawarin mo ako."

Natouch naman ako ng yinakap ni Mang Rogel ang anak. Makikijoin pa sana ako sa moment kaso biglang back to the seriousness naman si Mang Rogel.

"Dito muna kayo, pag nagkagulo tumakbo kayo agad sa garahian. Tahimik ko kayong babantayan. Kailangan niyong makaalis kahit anong mangyari."

Magtatanong pa sana ako kaso nilayasan na ako ni Mang Rogel. Kaloka!

"Jedd-"

"I'll explain later. Prepare yourself, Gab. We'll leave this place."

Tahimik lang kaming tatlo ng mga sumunod na minuto. Pero sa totoo lang ay gustong gusto kong tanungin ng super marami si papa Jedd.

Ilang saglit ay biglang nagkagulo ang mga tao. Medyo may liwanag na kaya wala na akong nakikitang mga sulo.

"Let's go!"

Naunang tumakbo si Totoy. Sumunod kami rito ni Jeddo.

"Nakatakas ang mga bihag!"

Takbo at tago ang ginawa namin. Natanaw ko din sa di kalayuan si Mang Rogel. Ilang saglit ay nakita na namin ang garahe. Matapos mailagay ni Jedd ang gasolina ay tumakbo kami papasok sa sasakyan. Pumasok si Jedd sa driver seat, umupo din ako sa front seat. Nasa gitna namin si Totoy.

The Camp Where stories live. Discover now