Ikawalo

34 2 0
                                    

Dani's POV

"Pota!"

Mabilis na napahiwalay naman ang dalawa. Samantalang kanina para silang mga koala na kapit na kapit sa isa't isa.

Gulat silang napatingin sa akin.

"Oh my God! S-sorry!" Natatarantang sabi ko. Gusto kong kutusan ang sarili dahil sa pagsigaw ko! Kasi naman ikaw ba naman makapanuod ng live show.

"S-sige ituloy niyo lang iyan. Wag niyo nalang akong pansinin. Hehe." Awkward kong sabi.

Putek iyan, hanap ng hanap ako sa babaeng ito tapos gumagawa lang pala ng kababalaghan. Tapos naging witness pa ako. Great.

"Alis na'ko. Sorry ulit sa istorbo!" Kumaripas naman ako ng takbo.

Narinig ko ang tawag ni Calla sa likod ko na humabol pala sa akin. Huminto naman ako para maabutan niya.

Hindi makatingin sa akin ang bruha. Kahit madilim ay kita ko ang pamumula niya.

Napakamot naman ako sa batok. Ang awkward lang kasi dahil pareho kaming nahihiya sa isa't isa.

"Dani/Calla." Sabay naming sabi.

"Ikaw na mauna/Sige ikaw muna." Sabay ulit naming sabi.

"You have a lot of explaining to do." Napa pout naman ang gaga.

"Ugh! Dani naman eh! Bakit kasi nag audience ka pa!" Sabay takip sa mukha. Ako naman humagalpak ng tawa.

"Pffttt. S-sorry. Kasi naman nag alala ako. Malay kong maglaslas ka diyan tapos gumagawa lang pala kayo ng milagro."

"Mukha ba akong suicidal! Eh, unexpected nga ang nangyari eh. Nag usap lang naman kami-"

"Nag uusap lang iyon? Bakit kailangan nakadikit sa isa't isa na nakahubad? Grabe namang pag uusap iyan." Sarcastic kong sabi.

"Nagsasalita pa nga diba, moment ko ito kaya shut up ka muna."

"Okay."

So ayun, at kinwento niya buong nangyari.

"So anong plano niyo? Back in a relationship na ulit kayo ni David? Pwede pa magbago isip mo." Biro ko kaya napapout ang gaga.

"Hindi ko alam."

"Mahal mo pa ba?" Hindi naman ako tutol eh. Kahit naman siraulo iyang si David ay marunong naman iyang magseryoso. May tiwala ako sa kanya na hindi na niya sasaktan ulit itong si Calla.

"S-siguro. I don't know!" Frustrated niyang sabi.

"Hey, don't push yourself. Basta sundin mo lang ang puso mo. No matter what your decision is, I will support you."

"Thanks Dani."

"Sus, ako nga ay may kasalanan sa iyo.  Wala ako sa tabi mo noong mga panahong iyon."

"Okay lang. Naiintindihan ko naman tsaka I survive naman those dark days of mine diba. Pretty pa rin."

"Sus, halika na nga. Baka hinahanap na nila tayo."

"Oo nga. Baka akala nila umuwi na tayo." Natawa naman kami parehas.

"Saan kayo galing?" Bungad ni Kelly sa amin pagbalik. Konti nalang sila sa bonfire siguro natulog na ang iba.

"Diyan lang sa tabi tabi." Sabi ni Calla.

"Okay kana, Cals? Si David kaya nasaan?" Namula naman ang gaga sa sinabi ni Kelly.

The Camp Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon