Unang yugto

70 2 0
                                    

Dani's POV

Napaunat ako matapos ang mahabang oras na pagtitipa sa keyboard ng laptop. Sa wakas natapos din! Ilang gabi na akong walang tulog na maayos, dahil sa hinahabol na deadlines. Medyo naaawa na din ako sa laptop ko dahil tulad ko ay hindi din ito nakakapagpahinga. Pero lahat naman ng pagod ko ay sulit naman kapag nakikita ko ang sariling mga istorya na nakadisplay sa mga shelves ng bookstores.

Satisfying and rewarding.

Chineck ko ang oras sa maliit kong orasan, mag aalas kwarto na pala ng umaga, ang iba pagising na samantalang ako ay patulog palang.

Napangiti ako dahil makakatulog na ako ng maayos. Itinabi ko ang mga ginagawa at nag umpisang humiga sa malambot na kama. Hindi ko tinanggal ang suot na salamin at dinampot ang cellphone na nakapatay.

Binuhay ko iyon upang tingnan kung may mga tawag at texts. Sinadya kong patayin iyon sa loob ng tatlong araw para walang maging istorbo. Nireplyan ko ang ilang mga texts na galing kay mommy at Calla. Ang ilan ay mula sa mga kakilala at ilang spam na texts.

Binuksan ko ang wifi at nag unahan sa pagtunog ang mga notifications ko pero sa messenger na agad ako pumunta.

Gabriella_Dyosa

Finale na guys ang camping. Go na itech para hagardo verzosa tau.

Kellyrke

Yep, suggest na kayo guys ng best place for the camping. I'm so excited!

CallaMoLangYun :

Namiss ko magbundok, puro nalang buildings nakikita ko :(

King David

Namiss din kita Calla milabs ;)

Mirriam Dictionary

Inamin din niyang mukha syang bundok.

Fred Request

Dabid lang ang malakas !

Judas Escaryote

Haha pre mukha ka daw bundok!

King David

Selos naman agad tong c Mirriam

CallaMoLangYun

Dabid sa harot mong yan. Wala ka paring asawa. Puro dada ka lang kc

King David

Awts, hinihintay kc kita.

Tulay

Sana ol may pahintay.

Gabriella_Dyosa

Hi Bridge!

Tulay

Hey Gab :)

Jedo

Noisy

King David

Uy pareng Jed! You're alive !

Judas Escaryote

Awake, alert, enthusiastic

King David

Gago

Kellyrke

David! No cursing

King David

Haha sorry Kells. Itong si Hudas kasi.

KenYes

The Camp Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon