Ikalawa

53 2 0
                                    

Dani's POV

Nagising ako mula sa masamang bangungot, napabuntong hininga nalang ako ng matagpuan ang sarili na nakahiga pa rin sa bath tub.

Nakatulog pala ako sa banyo.

It's been a year simula ng huli kong napanaginipan ang pangyayaring iyon. Ngayon, bumalik na naman ang alaalang nagpabago sa buhay ko at sa pagkakaibigan namin. Hindi biro ang pinagdaanan ko noon. I even stop my studies for a year dahil na din sa sobrang sama ng loob, but I learned to find myself again and continue my life.

It's been years and I've moved on. That was all in the past and  I'm sure na sa muli naming pagkikita ay matitingnan ko na ulit sila sa mata ng walang halong pait at pagdurusa.

Naalala ko ang dati kong sarili noon matapos kong malaman na niloloko ako ni Kenno at Bridgette. I keep asking myself kung saan ako nagkulang. Kahit long distance relationship na kami noong tumuntong ng college, I always find time for us.

Dahil mahalaga ang communication sa isang relasyon.

Pero noong tumagal, na realize ko na wala sa akin ang mali kundi nasa kanya. He is weak para magpadala sa tukso, he doesn't love me enough and higit sa lahat hindi na siya naging kontento. I did my part at naging loyal ako while we are in a relationship. I started to love myself and that's the time I let go whatever feelings I have for him.

Pagkatapos noon and until now, wala muna akong pinapasok na lalake sa buhay ko. I have suitors pero hindi ko sila inientertain. I want to enjoy my life while being single. I want to spend more time sa family and friends ko because I'm afraid I cannot do that na kapag nagkaroon na ako ng sariling pamilya. I'm still young, I'm only 25 and I will live my life according to what I want.

Before I'll drown again with my thoughts, I decided to finish my warm bath. Pagpasok ko sa kwarto, napatingin ako sa orasan, alas nwebe na pala. I really have the habit of checking the time.

Isang oras din akong nakaidlip sa banyo. Binunot ko ang cellphone sa pagkakasaksak at binuksan iyon. Umupo ako sa glid ng kama at nagsimulang magpahid ng lotion sa balat. Sinimulan ko ding gawin ang skin care routine ko, lalo na at may mga pimples na naman ako dulot ng pagpupuyat.

"Hays." Napasimangot ako habang nakaharap sa salamin.

Hindi talaga ako sanay na may nakikitang tagyawat sa mukha, although dalawa lang naman iyon. Matapos gawin ang mga seremonyas ko ay nag indian sit ako sa kama. Naglagay ako ng unan sa may puson at nag umpisang kinalikot ang cellphone.

Fred Request:

Guys, I've found a site na for our camping. Medyo malayo nga lang siya pero sulit naman. I'll send the picture. Sa baba ng Mt. Carmel may campsite doon. We can ask sa barrio sa ibaba.

*sent a photo*

Kellyrke:

Ang ganda!

Tulay:

Saan yan Fred?

Fred Request:

Sa bayan ng Trese. Mga 5-hour drive iyan mula dito.

King David:

Settled na ang campsite, ang tanong kailan?

Gabriella_Dyosa:

Kells kelan nga dating mo?

Kellyrke:

By thursday. Nasa Phil na ako.

Jedo:

It's best if it's weekend since we are all working.

The Camp Where stories live. Discover now