Dalawampu't-apat

36 1 0
                                    

Calla's POV

Napatakbo ako sa direksyon ni Mirriam. "What the heck! Bakit nakagapos si Mirriam? Are you two out of your mind?" galit kong sigaw sa dalawa.

I was furious. Nawala yata ang antok sa katawan ko dahil sa nakita. How dare them!

"Ano ba? This b*tch can't be free! Ano ba, get your hand off her!" tinabig nito ang kamay ko na kakalas sana kay Mirriam.

Lalong kumulo ang dugo ko. She's getting into my nerves!

"Bitiwan mo'ko kung hindi baka matapon kita sa bangin pagkatapos kalbuhin!" sagad na ako sa babaeng 'to. Totohanin ko na talaga iyon. I don't care even though she was a friend.

"Calla, hear us out first okay." napalingon ako sa lalaking kinaiinisan ko rin.

"Hindi niyo alam kung anong ginawa ng babaeng iyan." pagsasabat ng taksil na ex ni Dani. Isa pa 'to. Masasampal ko na din ang gag*ng 'to

Hinawakan naman ako ni David. "Kahit ano pa iyan! Hindi niyo siya pwedeng ganyanin! Mirriam ano ba? Ba't di mo man lang pagtanggol sarili mo?" I asked the silent Mirriam.

Bakit hindi man lang 'to umimik? I can't believe she let them do this to her! This was so out of her character!

"News alert, that boyish killed our friend Kelly. Now, gusto mo pa bang pakawalan ang murderer na iyan?" parang isang bomba ang sinabog sa'min.

Did she just say killed? Kelly? What? Why? How?

"W-hat in the hell are you talking about?"

Teka nasaan ba si Kelly at Dani? Bakit wala pa sila?

"A-ano? Bridge, seryoso 'to ha. P*ta baka prank lang 'to?" Tanong ni David kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"May gana pa ba akong magprank sa lagay natin ngayon, David? Just accept the fact that she is a murderer."

Bridgette's words were echoing inside my mind. Pero parang hindi ko kayang matanggap ang impormasyon na sinasabi niya.

"Totoo ba sinasabi niya?" tanong ni David kay Kenno.

"Why don't you ask the murderer herself." sagot nito kay David.

Napatingin kami kay Mirriam. Nakayuko lang ito, parang walang balak depensahan ang sarili.

"T-totoo ba?" nauutal kong tanong. Sa totoo lang ay takot ako sa pwede niyang isagot.

Sana mali. San-.

"Mirriam, totoo ba?" napaangat ito ng tingin. Wala akong mabasang emosyon sa mukha nito.

"Tama sila. Mamatay tao ako." walang pag aalinlangan na sagot niya. Walang bakas ng pagsisisi.

Nanghina ang tuhod ko at napaupo sa lupa. Bakit?

Bakit?

Napasuntok sa hood ng kotse si David.  "P-paano mo nagawa iyon? Bakit?" galit nitong tanong.

Wala siyang nakuhang sagot sa babae. "I found out that Kelly is pregnant. I maybe a b*tch, but I can't kill an innocent child. Ngayon, sabihin niyo sa'kin na hindi makatarungan ang pagtatali namin sa kanya. She should be thankful, iyan lang ginawa namin sa kanya." It was Bridgette.

"Oh my God!" nausal ko nalang.

S-she's pregnant?

The information is too much for me. Nakaawang ang labi ko at hindi makapaniwalang nakatingin kay Mirriam.

The Camp Where stories live. Discover now