Labing-dalawa

33 2 0
                                    

Dani's POV

"Tulungan na kitang magluto mamaya." Sabi ko kay Calla. Nag iinit kami ng tubig para sa cup noodles. Gutom na kasi ako.

"Wag na girl. Kaya na namin iyon, tutulungan naman ako nina Mirriam and Kelly mamaya. Hindi na daw sila matutulog. Lagi daw kasing may ganap kapag gigising."

"Sira. Ako nalang magbabantay kay David." Volunteer ko para naman kahit papaano may magawa ako.

"Sus, andun na si Hudas. Matulog ka na muna, Dani. Haggard kana oh! Isang paligo nalang lamang mo niyan sa malandi nating friend. Payag ka nun. Ako kasi hindi."

"Baliw. Sige na nga. Kakainin ko lang ito tapos iidlip. Pakigising nalang ako kapag kakain na." Wala kasi akong dalang kape kaya cup noodles nalang para mainitan ang tyan ko.

"Sige, dapat ganyan. Wag kang patalo doon. Oh puntahan ko muna iyong dalawa ha. Baka nakatulog eh."

"Ewan ko sa iyo. Sige." Tumungo na muna ako sa tent namin at doon kumain.

Pagkatapos kong maubos ang cup noodles ay nag ayos na ako para makahiga. Alas kwatro y media na ng umaga. Pumikit ako at pinilit matulog pero maya maya ay nagigising lang ako. Inis akong bumangon. Tutulungan ko nalang silang magluto para mabilis.

Paglabas ko ng tent ay natanaw ko si Jeddo na lumabas sa isang tent. Kung hindi ako nagkakamali ay kana Fred iyon. Muntik ko ng makalimutan si Fred.

Injured nga rin pala siya.

Imbes na tumungo kana Calla ay dinala ako ng mga paa ko sa kinaroroonan ni Fred. Gusto ko siyang kamustahin.

Hinawi ko ang takip ng tent nila at hindi ko inasahan ang taong nadatnan. Sinabi nila Gab na siya daw ang nakabantay kay Fred pero hindi ko naman inexpect na tatagal siya.

Sandali akong natigilan at mukhang siya din ay nagulat. Hindi ko alam kung ano ang irereact ko. Mula ng maghiwalay kami ay hindi na kami nag usap pa ng maayos.

Siya ang unang nakabawi. Bahagya niya akong nginitian.

"You're checking him?" Tanong niya habang nakatingin kay Fred, marahan akong tumango. Napagpasiyahan ko nalang maupo dahil ang bastos naman kung aalis pa ako. I'm not bitter anyway.

"Kamusta na siya? Nakita kong galing dito si Jedd." Ang awkward kaya nagtanong nalang ako.

"Ah, he's already fine. Nagising na siya kanina. Kumain lang at natulog ulit." Nakahinga naman ako ng maluwag.

That's a relief.

"Ano ba kasing nangyari sa kanya?" Hindi ko pa naitanong kanina. Base kay Gab ay sila daw ni Bridgette ang nakakita sa kanya.

Bumuntong hininga muna siya.

"Sabi niya kanina umalis lang daw siya para magbawas pero mukhang napalayo daw siya at naligaw. Sa paglalakad niya aksidente niyang na sprain ang paa niya. Naglakad pa ata siya kaya sa malapit lang namin siya nakita na wala ng malay."

Nakakapagtaka na maligaw siya e siya ang mas may kabisado ng lugar na ito. He holds the map of this place. Tsaka ang clumsy naman niya para sa isang pulis. Sinarili ko nalang ang naisip. Ang mahalaga ay okay na siya.

"Mabuti nalang at nakita siya agad." Tanging nasabi ko nalang at tumango naman siya.

Naging tahimik na kami pagkatapos noon. Habang tumatagal na walang nagsasalita ay mas lalong nagiging awkward.

The Camp Kde žijí příběhy. Začni objevovat