Chapter 10

2K 110 642
                                    

Chapter 10

Smile

  

Tobie and I first met in a social function four years ago, making me just a twelve-year-old then.

Unang taon ko noon sa Junior High School at unang pagkakataon ding nakadaupang-palad ang mabubuting employer ni Papa. Ang mga Fabian.

"Huwag kayong lalayo. Baka makaabala lang kayo sa mga bisita kaya dito lang kayo sa akin!" mahigpit na bilin ni Mama habang naglalakad kaming pamilya patungo sa entrance ng engrandeng establisyimento.

Tumawa si Papa. Tumingala ako para matignan siya habang nakakapit sa kanyang braso.

Nagre-reflect sa kanyang salamin ang liwanag na nagmumula sa outdoor lights noong gabing iyon. Pero bakas pa rin ang kasiyahan sa mukha ni Papa. Hindi tulad nitong mga nakaraan.

"'Wag mo masyadong takutin ang mga bata sa mayayaman, Olivia. Hindi lahat ng mayayaman, matapobre at magaspang ang pag-uugali."

Marahan at banayad ang boses ni Papa noon pa man. Sa kanilang dalawa ni Mama, hindi hamak na daig siya nito tuwing may argumento. O siguro, nagpapaubaya lang talaga si Papa.

"Hindi bale nang nabalaan, Ricardo. Kaysa lumaking walang alam sa buhay ang mga anak ko. Lalo na ngayon, puro mayayaman ang dadalo riyan. Mapahiya pa ang Papa ninyo sa mga employer kaysa ma-endorse kayo sa pinapangarap niyong scholarship."

Masunurin kaming tumango ni Kuya dahil nakuha namin agad ang paalalang iyon.

Ang tinutukoy kasi ni Mama ay iyong programang ilulunsad pa lamang ngayong araw ng mga Fabian. The party was mainly to celebrate Mrs. Fabian's birthday, but the Madam wanted it done with benefaction.

Nag-anunsiyo ito na nais nilang makatulong mag-asawa sa kanilang masisigasig na empleyado. Isa na roon si Papa. And we believed he earned it.

For years of working under the Fabian Holdings, he worked like a Trojan just to support our needs. Halos magpaalila na nga ito para lamang masimulan na ang aming bahay. Idagdag pa ang kagustuhan kong makapag-aral sa pinapangarap kong school. Ang Rouxton Academy.

Elementary pa lang, pinapangarap ko na ang eskuwelahang ito at hindi iyon lingid sa kaalaman nina Papa. Kaya naman noong bakasyon nang sabihin niya sa aking hindi pa nila kayang tustusan ang matrikula ko para makapasok sa paaralan, labis ang kalungkutang nadama ko.

Bakit ganoon? Hindi ba nangako siya sa akin na kapag Grade 7 na ako, may ipon na siya at mapapag-aral na niya ako sa Rouxton? Nangako siya sa akin!

Ang tagal kong hinintay maka-graduate para lang makatungtong sa eskuwelahang iyon. Ang tagal kong nag-asam at umasa sa pangako ni Papa! I even studied very intensely just to top my batch. Para naman makita nilang deserve ko iyon at hindi masasayang na pinagbigyan nila ang kahilingan ko. Tapos ganito? Para na rin siyang nagsinungaling sa akin! Binali niya ang pangako niya at pinaasa lang ako!

"Anak, patawarin mo si Papa. Kinailangan lang namin ng Mama mo ng... ng malaking halaga kaya kahit mahirap man para sa akin, nagamit namin ang perang naipon ko para sa pag-aaral mo. Naiintindihan mo ba iyon?" nagsusumamo niyang paliwanag sa akin.

Hindi ako nakapagsalita, nanatili lamang ang mga kamay sa mukha habang lumuluha sa sobrang sama ng loob.

I expected too much. Now, I'm too disappointed and mad!

"Elia, anak... Tahan na..." haplos niya sa aking buhok na agad kong tinabig.

"Niloko mo lang ako, e! Sinungaling ka, Papa!"

Saglit itong natahimik hanggang sa narinig ko ang kanyang buntong-hininga.

"Hindi kita kailanman niloko, anak. Mahal na mahal kayo ni Papa kaya hindi ako magbibitaw ng pangakong walang intensiyong tumupad sa usapan... Elia, sorry na, anak... Nagamit ko lang ang ipon... dahil kinailangan."

Giovanni Clark: Gone Crazy (Golden Child Series #1)Where stories live. Discover now