Chapter 24

1.3K 67 141
                                    

Chapter 24

Good Man


I must admit, my raging emotions got the best of me when I learned about the photo that was sent by Ulrik. Futile questions also started to cloud my reasoning.

Was he cheating on me all this time behind my back? Or did he really mean what he told me before?

Posible. Na family friend lang ang mga babae noon at ngayon lang siya nagtangka gumawa ng pagtataksil dahil sa alitan namin.

Even so, it wasn't enough license to do me wrong. If he was fed up with me and this relationship, he should have broken up with me first before finding another girl he could ravish instead of putting ourselves into this mess!

Has he no shame?

"The class is about to start, Riz. What are you up to?" si Apollo nang nakasalubong ko.

Pagkapasok sa room, wala na roon si Yves na umiidlip lang nang iwan ko kanina para bumili ng pagkain.

I snorted and combed my hair frustratedly. Akmang ibababa ko na ang kamay ko nang higitin bigla ni Apollo ang aking palapulsuhan.

"Oh, dear. Not again."

Namilog ang mga mata ko nang na-realize kung bakit niya ginawa iyon. Mabilis kong binawi ang kamay at napaiwas ng tingin.

"Wala ito," I uttered quietly as I traveled to my seat.

Sumunod siya sa akin.

"You're opening the scars on your ring finger again. It's bruised. Don't give me that pathetic excuse, Riz. It won't work on me."

Pumikit ako. Masyado na siyang maraming nalalaman sa akin.

My ring finger being damaged meant one thing to him. He knew it better than almost everybody.

Napabuntong-hininga ako. Saka ko lamang naramdaman ang pagod sa ginawa kong pagtakbo mula cafeteria hanggang dito kaya imbes na sagutin ang kaibigan nang direkta, inabot ko na lamang sa kanya ang phone kung saan nakabalandra ang litrato.

"Are you kidding me?!" bayolenteng singhal nito kalaunan.

Mukhang nakuha niya agad ang kahulugan sa likod ng litratong iyon kaya sinenyasan ko siyang manahimik. Ang eskandaloso!

"That's why you were flipping out when I caught you," Apollo said more than ask, spitting facts.

Tumango ako. It pained me how quick he was to see through me. Ganoon na ba ako ka-transparent tuwing may pinagdadaanan? Napapisil ako ng ilong, natanto kung bakit.

Apollo is my best friend. He's memorized me long ago before I could even know it.

As much as I wanted to explore my thought process about the situation with Apollo, our first professor entered the room to start our class.

Hindi ako nakapag-concentrate sa klase. Ginawa ko ang makakaya para mag-notes para mabalikan ko ang discussion next time pero sadyang nababagabag ako sa nadiskubre.

Sa kalagitnaan ng pagmumuni-muni, nahagip ng mga mata ko si Kenna hindi kalayuan. She lifted her thumb at me to gesture if I was okay, so I smiled and showed her a thumbs up.

Nasa tabi niya si Seka. May binulong ito kay Kenna kaya napailing na lang ako dahil alam ko na agad na ako ang ichichismis nito.

This school year, Apollo and I were in the same section with Kenna, Seka, Palmer, and Diego. Sinigurado ng mga ito na magiging magkaklase na kami sa Grade 12 para sama-sama kaming ga-graduate at hindi na rin mahirapan magkita-kita.

Giovanni Clark: Gone Crazy (Golden Child Series #1)Where stories live. Discover now