Chapter 13

1.6K 107 444
                                    

I'm sorry for the super delay. Your girl is very grateful for your kind understanding and patience. It may be too late but still, happy 26k to us, embers! I love you all so much!
---

Chapter 13

Misunderstanding

The frustrations building up inside me were lethal. But they weren't enough to make me cry. Even if my body wanted to.

My hurrying thoughts clamored for utterance, but I spared myself for a moment to breathe and rest on my way home. Dahil tulad ng sabi ko, sagad na sagad na ako.

"Nakauwi na ang magaling mong kapatid, Rizieri."

Todo alalay ko ang sarili habang pilit na lang na hinahakbang ang mga paa. For some reason, they seemed immobilized and numb at that time. Maging ang paghinga ay nahihirapan na ako. Idagdag pa ang nanlalabong paningin at panginginig ng buong katawan. I realized I just wanted to go home no matter what.

Hirap kong inangat ang tingin kay Mama. Nasa kusina ito, nakalatag ang mga papel at calculator sa harapan habang suot ang kanyang salamin. Abala ko siyang nadatnan at ngayong nandito na ako, pagkatapos ideklara ang aking pagdating, walang pinagbago.

Apathy...

I swallowed hard to prepare my voice, but Kuya immediately caught my attention as he hurried down the stairs.

Iniwas ko na lang ang tingin kay Mama, bagay na wala rin namang kwenta dahil hindi na ito muling bumaling pa sa akin.

"Riz!"

Pinaghalong galit at pag-aalala ang bumalot kay Kuya nang lapitan ako. Ngunit nang natanto ang aking hitsura, mabilis na nangibabaw ang huli.

Kinuha niya ang aking bag at agad akong sinuportahan patungo sa sala.

"Saan ka ba talaga nanggaling? Buong araw kita halos hindi matawagan, Rizette," aniya, bakas ang pagkontrol sa sariling disposisyon. "Pinag-alala mo kami."

Kami?

Mula sa nilalakaran, nilipat ko ang mga mata sa kapatid. Iyon nga lang, hindi pa man ako nakakapagsalita nang naghari na ang panunuya ni Mama.

"Ano pa nga bang aasahan natin? Nag-senior high lang, lumabas na ang pagiging suwail. Hindi na ako magugulat kung pagtungtong nyan sa College, mag-asawa na lang-"

"Ma, please!" Kuya halted to cut her off.

Suwail?

My lips trembled as I blinked. Baka nga tama si Mama. Nanatili ako sa aking pwesto, walang magawa kundi pakingaan lamang iyon.

When did I ever have the grit to oppose to her anyway? Sa huli, maaalala ko lang ang mga pagkukulang ko noon at mare-realize na dapat lang ito sa akin. It was nothing compared to what I did to this family. Walang-wala pa ako sa kalahati ng mga dapat kong pagbayaran.

Narinig ko ang marahas na pagtayo ni Mama mula sa kanyang upuan.

"Napapadalas na pag-uwi nyan sa gabi. Ano, may boyfriend na? Barkada? Kababaeng tao, puro na lang ata lakwatsa ang inaatupag."

Napatikhim ako.

"Ma, hindi ganyan si Riz. Sadyang may event lang sila sa susunod na linggo kaya-"

My eyelids went heavier than usual. And so as my breathing.

Hindi ko na nasundan pa ang usapan nila Kuya dahil sunod ko na lang na nalaman, umikot na ang paningin ko at tuluyan nang bumigay ang katawan.

I woke up the next day enduring the pang in my head and an off-kilter stomach. Sa lubha ng pakiramdam, ni hindi ko na maalala kung nakabangon man lang ba ako nang maayos sa araw na iyon. Linggo.

Giovanni Clark: Gone Crazy (Golden Child Series #1)Where stories live. Discover now